Chapter 2 - Moving On

62 7 0
                                    


“Lexi! Ayusin mo!” sigaw ni Jeff sa akin na siyang ikinagugulat ko.

Sabi ko na nga ba. Hindi ako makakapagfocus sa steppings. Dati, madali ko lang makuha ang mga ganito. Pero ngayon, may ibang pumapasok sa isip ko: si Ken. Naluha ako at pinigilan kong hindi mahulog iyon. Nakailang lunok na ‘ko para i-hold ang luha ko. Masakit na masakit na ang lalamunan ko.

Tumango ako kay Jeff.

“From the top!” sigaw ulit ni Jeff. Kaya siguro from the top kasi isang mali galing sa ‘min, balik sa umpisa talaga. Parang sasabog ang puso at utak ko. Ayoko nang magmahal kung ganito lang din ang epekto sa akin!

***

Nang makauwi ako sa bahay, humiga muna ako bago magbihis.

Grabe. Nagpapasalamat ako sa kawalan na naka-survive ako sa araw na ‘to sa school. Hindi ko alam kung paano ko ito i-deal. This is my first time that I am so broken hearted. Halos lahat ng aspeto ko sa buhay naaapektohan. Ano bang gagawin ko nito.

Minamalas nga naman talaga ako, oo. Bakit ba kasi na-fall ako doon. Nakakainis ang bilis kong mahulog sa mga salita. E, ang layo nga ni Ken. Nasa Bulacan ako tapos siya nasa Bicol. Bakit hindi ko man lang naisip muna na posibleng masasaktan ako dahil una, sa distansya namin. Pangalawa, hindi ko kilala si Ken sa personal.

Siguro, naging uhaw ako ng atensyon. Siguro dahil na rin hindi pa ako nagka-boyfriend kaya hindi ko man lang naisip na may risk pala ang pag-ibig na hindi tama. Sadyang tanga ako para hindi ko maisip iyon. Pero mas tanga siguro si Ken dahil wala siyang puso.

***

“Sama ka sa ‘min?” aya pa ni Jen sa akin after ng half-day class namin.

“Sige.”

May plano silang pumunta ng mall. Si Maureen, Si Jen, Si Kate, Si Marga at si Vince. Sasama na ‘ko para ma-divert ang attention ko. Ngayon mas binibigyan ko ng time ang pag-aaral ko. Naging busy ako sa mga activities. Pero gagala na lang din ako para at least, sasaya naman ako nang kaunti.

Nang makarating kami sa mall, dumiretso kami sa Joy World kung saan pwedeng maglaro do’n. Ang gusto kong nilalaro doon ay ang basketball.

Mahilig ako sa mga medyo panglalaking laro. Hindi ako masyadong girly na babae. Hindi ako marunong mag-make up pero I enjoy watching videos tungkol sa pagmemake up.  Sa damit ko naman, I prefer T-shirt at wala nang iba.

“D’yan ka lang, Lexi? Do’n muna kami, a?” paalam pa ni Maureen sa akin. Tumango lang ako. Naglaro pa sila ng iba. Pero sa basketball lang ako naglalaro.

Habang naglalaro ako, may napansin akong papalapit na lalaki sa nilalaro kong basketball from my peripheral vision. Nakaputi ito at naka-shorts ng medyo caramel ang kulay. Hindi ko lang makita ang mukha niya. Nagpatuloy ako sa paglalaro hanggang sa nagsimula na rin siyang mag-shoot. Matangkad siya sa akin. Nanliit tuloy ako sa sarili ko.

Binilisan ko ang pag-shoot dala na rin ng tense na nararamdaman ko dahil may lalaki sa gilid ko. Nacoconsious tuloy ako. Napapansin kong binilisan niya na rin. At laging siyang nakaka-shoot. Basketball player siguro ito. Ako naman, parang nag-aalternate ang scores ko. Nakakashoot, tapos wala na naman.

“Paano ba iyan, talo ka?” rinig kong boses lalaki sa gilid ko. Walang oras ay lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at siya nga iyon. Kulot ang buhok at naka-eyeglass. Medyo maputi ang balat. Parang mayaman tingnan. Ngumiti lang ako sa kanya nang hilaw. At tinalikuran ko na siya dahil nahihiya ako.

“Woy! Talo ka,” pahabol pa nito. Hindi na ako lumingon. Bahala siya. Ang feeling close niya naman. Pumunta na ‘ko sa pwesto nina Maureen. Counterstrike naman nilalaro niya. Tumayo lang ako doon at nanuod. Muli pa kong tumingin sa kinaroroonan ng lalaki kanina. May mga kasama na siyang naglalaro. Mga barkada niya siguro. Feeling ko, sila ‘yong mga lalaking mahilig manakit ng babae na physical lang ang tinitingnan at kapag nagsawa ay iiwan din ang babae. Feeling ko lang naman. Judgemental ako, oo.

Makalipas ang dalawang oras matapos kaming maglaro at mag-videoke, nagpasya na kaming umuwi. Pero bago iyon, kumain muna kami.

“Nako, sana naman napasaya ka namin, Lexi!” wika ni Vince. Itong si Vince, siya lang ang nag-iisang lalaki sa grupo pero para itong wala sa mundo kaya ayos lang.

“Maayos naman ako, ah!” tugon ko pa sa kanya at sinapak ang braso niya.

“Sino ba iyong kalaro mo kanina?” tanong naman ni Jen.

“Alin? Meron ba?” ani ko.

“‘Yong lalaking naka-puti kanina, kasabay mo sa paglalaro ng basketball," nagdududang sagot ni Marga.

“Ah, iyon? Hindi ko nga kilala iyon, e. Bigla lang nagsabing natalo daw ako, eh, as if naglaro kami sa field, ‘di ba? Feeling close iyon.”

“Talaga?! Sa gwapo ng lalaking iyon, tinarayan mo ‘yon?” ani Maureen sabay tawa nang malakas. Malakas talaga siyang tumawa. Hindi nga iyan marunong magalit.

“Ano ba kayo? Broken hearted ako ta’s iyan sasabihin n’yo sa akin, mga sira!”

“Para maka-move on ka!” singit ni Vince.

Tumawa silang lahat at tumawa na rin ako. Kahit kailan, hindi maganda ang payo ng mga barkada. Nakakahamak.

Maya-maya pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami. As usual, sabay kami ni Maureen. Magkalapit lang kasi ang bahay namin.

“Kailan kaya ako makaka-move on, Mau?”

Bigla kong tanong kay Maureen.

“Hindi ko alam, Lex. Siguro acceptance ang kailangan mo.”

Hindi ako sumagot. Nabigla ako sa sagot niya.

***

“Sa’n si Mama?” agad kong tanong pagkadating ko sa bahay.

“Nasa labas. Bakit?” balik na tanong ng kuya ko.

“Wala,” sagot ko. Hindi ko alam bakit iyan ang lagi kong linya pagkadating na pagkadating ko sa bahay kahit wala naman akong kailangan ni Mama at the moment.

Kumain muna ako at nag-ayos sa sarili bago humiga. Tuwing gabi ang hindi ko gusto, dahil nagkakaroon ako ng oras na isipin si Ken.

Habang nakahiga ako nagdadamdam, hindi ko namalayan na nag-uunahan na pala sa pag-agos ang mga luha ko. Umiiyak na naman ako sa nararamdaman. Feeling ko habang buhay akong hindi makaka-move on.

Bumalik ulit sa akin ang mga alaala namin ni Ken. Sabi niya pa noon magkikita kami at magiging Psychiatrist siya kaya sisikapin ko raw na maging Psychologist din ako. Naalala ko iyong mga moments namin na nagkukwentuhan kami about life, about future, love and famiy. Although wala sa topic namin ang marriage. Wala rin naman sa isip ko iyon. Masyado pa akong bata para makipag-usap tungkol sa marriage.

Naalala ko ang mga ngiti ko sa tuwing nag-uusap kami. Pakiramdam ko kaming dalawa lang ang nasa mundo. Pakiramdam ko parang nagso-slow motion ang mundo kapag nag-uusap at masaya kami.

Pero lahat iyon ay naglaho na. Nawala na. At baka nga’y hindi na maibabalik pa.

Naalala ko ang sinabi ni Mau kanina sa jeep.

Siguro acceptance ang kailangan mo.”

Siguro kailangan ko nalang tanggapin na wala na si Ken sa buhay ko. Kailangan kong tanggapin na ang mga pangarap namin ay hindi na namin magagawa nang sabay. Tatanggapin ko nalang siguro na hindi na kami magkikita at balik ulit kami sa pagiging strangers. Kailangan ko na sigurong tanggapin na hindi siya para sa akin, na hindi kami para sa isa’t isa.

Siguro, ang tanggapin ang nakaraan ang siyang magtutulak sa akin na tanggapin ang kasalukuyan at hinaharap.

Victim Of EvangeligawWhere stories live. Discover now