Chapter 8 - I Am Now Confused

20 5 0
                                    


“Simba ka dito next Sunday?” wika ni Kristoff sa kabilang linya.

In-expect ko na ‘tong araw na ‘to iimbitahin niya talaga ako sa church nila. According to Mau, ganyan daw talaga sila, nang-iinvite sa church.

“I’ll think about it,” tugon ko lang.

Paano kaya kung i-invite ko rin siya Catholic church namin? Pwede siguro ‘yon.

***

“I’m so happy to see you here,” ani Kristoff nang makarating ako sa meeting place namin kung saan niya ako susundiin papuntang church nila.

Hindi ko kasi alam ang place nila. Ngumiti siya sa akin at then he pats my head for a second. Ngumiti na rin ako. Napapangiti talaga ako when he places his hand on my head.

“Tara na?” aniya. Sumunod lang ako sa kanya.

Maya-maya ay nakarating kami sa isang parang chapel pero mas malaki ito sa chapel. May gate pa ito sa unahan at nakita ko ang mga babaeng naka-palda, naka-short pants,  at naka-pantalon. Nang makita ko ‘yong mga naka-dress at naka-palda, naalala ko ‘yong minsang nakakakita ako ng mga babae sa kalsada na naglalakad na ganyan ang suot, either mahaba ang dress or ‘yong palda, tapos mahaba ang buhok.

“Aanib ako sa ganitong religion?” napaisip ako.

“Invite mo ito, Kristoff?” dinig kong tanong ng isang babae na naka-dress ng pula at matamis ang ngiti niya kay Kristoff. Para siyang nasa 30s na pero wala pang jowa.

“Opo, ate,” sagot niya.

Ngumiti lang ulit ang babae at lumakad papuntang loob. Nakarinig na rin ako ng tunog ng drum at nang makapasok na kami, nakita ko iyong sinabi ni Kristoff na worship team. At may mga matatandang lalaki, mga may anak, at maging kaedad lang siguro ni Kristoff. At ganoon din sa mga babae.

***

“Hallelujah! Hallelujah! Hindi tayo papatalo sa kapangyarihan ng demonyo! Hallelujah!"

Iyan ang naririnig kong sigaw ng leader siguro ‘yon sa worship team sa kalagitnaan ng kanilang pagkanta, nasa parang may stage. Lumingon ako nang kaunti at nakita kong marami ang nagtaas na kanilang kamay at naalala ko ‘yong nakita ko sa Facebook page nila.

Kumanta ulit sila at ang mga tao ay nagtaasan ulit ng kamay at may naririnig na akong umiiyak. Hindi ko itinaas ang kamay ko dahil nahihiya ako, feeling ko may nakatingin sa akin. Habang si Kristoff naman sa tabi ko ay kumakanta rin at naka-tingin do’n sa harap.

“Nakakahiya naman ito, kailan ba ito matatapos,” mumunting tinig sa ulo ko.

***

Tatlong buwan na ang nakalipas at isa na akong active member sa CCM or Christ Church Movement. Hindi na ako nahihiyang magtaas ng kamay sa oras ng praise and worship at may mga salita rin akong natutunan sa Church, gaya ng "evangelism", "Kingdom of God", "Breakthrough", and many more.

Linggo ngayon at papunta na ako sa church, hindi pa ako nakatanggap ng update galing kay Kristoff, kahapon pa. Hindi rin kami nagkita after nung last service kasi naging busy ako sa school at siya rin busy.

Nang makarating ako sa church, agad kong pinuntahan ang mga ka-group ko na mga babae. Kinumusta ko sila. Nang matapos kami, hinanap ko si Ate Daisy, ‘yong babaeng unang lumapit sa amin noon nung first time kong pumunta rito.

“Ate, nakita mo po ba si Kristoff? Hindi ho kasi siya nag-update sa akin kahapon pa. Tapos hindi ko pa siya nakikita ngayon,” wika ko kay Ate Daisy at lumingon-lingon, tinitingnan ang grupo ng mga lalaki sa hindi kalayuan.

Victim Of EvangeligawWhere stories live. Discover now