Chapter 13 - Realizations

23 4 0
                                    


Umuwi ako sa 'min na sobrang gabi na. Pagod ako sa lahat at mas lalo lang akong panghinaan ng loob kung makikita ko lang si Mama sa hospital. Naisip ko ulit ang mga sinasabi ni Kristof.

God...

I guess mahirap sa akin ang maniwala ulit sa Diyos. Isa pa, jinowa lang naman ako ni Kristoff para maging Christian. Pinasagot niya muna ako para papayag akong mag-church sa CCM. Sabi nga ni Hannah, "Evangeligaw" raw tawag no'n. Ang babaw ko rin naman na nagpauto ako, pero mas mababaw si Kristoff. Dahil do'n, mas lalo akong nainis sa kanya.

I now doubt my salvation. I don't trust what I know. Hindi ko na alam kung totoong saved nga ba talaga ako o talagang nadala lang ako ni Kristoff. All I know now is wala na akong pakialam. Wala na akong pakialam...

***

Kinabukasan ay nagpaalam sa 'kin si Manong Rolex. Uuwi muna raw siya dahil kailangan pa niyang mamasada. Ang kanyang asawa na si Aling Virgie kay nasa bahay lang kaya nagtitiyaga si Manong Rolex sa paghahanap-buhay para sa kanyang pamilya. Sana nga lang ay ganoon din si Papa, pero ang layo niya kay Manong Rolex.

Nakaupo ako sa gilid ni Mama at pumikit. Sana ay gagaling si Mama at walang mangyaring masama sa kanya.

"Uhh..."

Agad kong binuksan ang mga mata ko at tumingin kay Mama. Gising na siya! Agad din akong tumayo sa kinauupuan. "Ma?" ani ko at pinisil-pisil ang kanyang kanang kamay.

"Ma, gising ka na? Ma, salamat!" wika ko sabay yakap sa kanya. Naiyak ako dahil sa saya. Nang nag-angat ako ng ulo, nakita ko ang bahagya niyang pagngiti.

Naglakad ako papuntang pintuan para magtawag ng doktor at saktong-saktong hindi pa 'ko nakalabas ay may dumating na doktor. Pinalabas n'ya muna ako. Labag man sa kalooban ko, pero sumunod nalang ako. Somehow, may tiwala ako sa mga doktor. Umupo ako sa upuan na nasa tapat lang din ng kwarto. Maya-maya ay lumabas na roon ang doktor kaya agad akong tumayo sa harap niya.

"Kumusta na po ang Mama ko? Gagaling po ba siya?"

"Do not worry too much, mild case lang ang pneumonia niya, her symptoms began to improve one to two days after treatment.

"Pwede na siyang makauwi, and she must get plenty of rest. Do not ler work until after her temperature returns to normal and she stops coughing up mucus. Let her stay hydrated. Drink plenty of fluids, especially water, to help loosen mucus in her lungs. She must take her medicine, antiobiotics and cough medicine," tugon ng doktor sa 'kin. Tumango-tango ako bilang pagtugon.

"Salamat po, Doc." Tumango siya at umalis na.

Umupo ako ulit. Medyo gumaan ang pakiramdam ako nang malaman na mild lang ang sakit ni Mama pero may halong pangamba pa rin akong naramramdaman dahil natatakot akong masugod na naman ulit siya sa ospital. Nasagi sa isip ko ang bayarin sa hospital, habang patagal nang patagal dito si Mama, palaki nang palaki rin ang bill...

***

"Han, 'yong sinabi mo sa 'kin na manghihingi ka ng tulong sa CGC, o-okay pa ba 'yon?" utal kong tanong kay Hannah.

"Oo, 'di ba kayo nagkita ni Kuya Christian? pagpunta mo rito?" bakas sa kanyang mukha ang pagtataka. Si Kuya Christian ang parang right hand ni Pastor John.

"Hindi."

Nandito ako sa CGC. Hindi sana ako pupunta dito dahil ayoko nang ma-involve pa sa isang church. Pero wala akong choice. Dumating si Manong Rolex kanina sa ospital. Sabi niya siya na raw muna ang magbabantay kay Mama sa ospital. Pera nalang ang hinihintay namin para makalabas na si Mama. Maging si Manong Rolex ay nanghingi ng tulong sa gobyerno pero as expected, ang dami pang kailangan i-process. Kaya minsan galit ako sa gobyerno. Gusto nilang tumulong pero papahirapan muna ang tao.

Victim Of EvangeligawWhere stories live. Discover now