Chapter 4 - Desisyon Ko 'Yon?

31 6 2
                                    

Maging ako ay nagulat sa naging tugon ko. Ay bakit ako nag-"I love you too"?! Sa bagay, hindi ko man aaminin, gusto ko na rin naman siya so why not.

“Mau," ani ko at ipinakita sa kanya ang conversation namin ni Kristoff.

Nanlaki ang mga mata niya at parang anumang oras ay mag-uusok ang ilong niya sa inis. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin na parang nagtatanong kung bakit. Hindi siya makasigaw kasi nasa tricycle kami.

Ngumiti lang ako sa kanya nang hilaw. Kilala ko si Mau. Magagalit ‘yan pero bukas wala na ‘yang paki, support na ulit ‘yan.

***

Nang makauwi, kumain muna ako na dala-dala ang cellphone sa lamesa.  Parang hindi ko na talaga kayang iwan ang cellphone ko. Pagkatapos ay nagbihis at nag-cellphone ulit.

“Ano bang tawagan natin? Babe? Love?” tanong ni Kristoff. Kinakagat ko nalang talaga ang lower lips ko para tigilan ang pagngiti ko. Pero nagtataka ako sa gusto niyang iparating.

“Huh? Bakit may tawagan? ‘Di ba para sa magjowa lang ‘yon?” pabalik kong tanong.

“Iyon na nga. Hindi nag-a-I love you ang hindi magjowa, right?”

Mas lalo akong nagtaka.

“Do you mean tayo na?”

“Yes,” bilis niyang sagot.

“Well, wait lang, ha. May boyfriend na ako?” tanong ko kay Kristoff. Gusto kong magreply agad siya pagka-send ko pa lang ng tanong na ‘yon.

“Correction, *first and last boyfriend.”

Nakaramdam agad ako ng init sa magkabilang pisngi ko at ngumiti.

“Ba’t ka naka-ngiti riyan?” biglang tanong ni Mama na siya ring pagseryoso ko ng mukha.

“May nakakatawa kasi dito, Ma,” pagsisinungaling ko pa at ibinalik na niya ang tuon sa kanyang cellphone. Bilib ako sa kanya kasi kahit nag-cecellphone, nakita pa rin akong nakangiti. Ang talas ng mata, palibhasa lagi kumakain ng kalbasa. Sabi niya kasi kakain daw dapat ako ng kalbasa para healthy ang mata ko.

Agad kong pinaalam kay Maureen na kami na ni Kristoff. Tumawa lang siya. Sabi na nga ba, minsan galit ‘yan, minsan wala talaga siyang pakialam.

***

Kinagabihan bago ako matulog, nagmumuni-muni muna ako. Grabe. Wow. Totoo ba ‘to? May boyfriend na ‘ko? Ngumiti ako. So this is how it feels to have a boyfriend? ‘Yong hindi lang ka-MU?

Si Ken kasi, ka-MU lang ‘yon. Pero parang may label nga kami kung tutuusin. Pero itong kay Kristoff, this is different. I now have a boyfriend! First time ko ‘to. Based sa mga nakikita ko online, it feels good to be in a relationship. At least, may inspiration ang isa’t isa.

Hindi ko man lang napaghandaan. Hindi man lang ako naging maganda sa araw na ito. Hindi man lang ako napunta sa romantic na lugar. Pero okay lang, saka na ‘yan ‘pag nagkita na kami ni Kristoff.

Nagulat ako, actually. Nagulat ako dahil hindi pa rin ako makapaniwalang may jowa na ako. Hindi ko in-expect that this night would be special. Tatandaan ko ‘tong araw na ito dahil excited na akong bumati ng, “Happy monthsary!”

I laughed at the idea. Ang cheesy.

Wala na rin naman akong magagawa. Nandito na ‘to. Tanggapin ko nalang. Besides, I like Kristoff.

Hinihintay ko ngayon si Maureen. Sabay kami pupuntang school. Minsan ako ang dumadaan sa kanila and usually, ako pa rin ang naghihintay sa kanya dahil parang pagong ‘yon, mahina kumilos. Pero mahal ko ‘yon.

Victim Of EvangeligawWhere stories live. Discover now