Chapter 6 - This Is It

27 5 0
                                    


“Huwag ka nang mag-share ng mga post na hindi about God, Lex. Other things apart from the things of God, useless na ‘yon,” wika ni Kristoff sa akin galing sa kabilang linya.

Parang gusto kong sumagot at mag-disagree dahil sa tingin ko, hindi naman siguro tama ang sinabi niya. Isa pa, ang mga shineshare ko ay hindi naman kabastusan. Pero hindi na ako nagsalita.

“Okay,” tugon ko nalang.

Napaisip tuloy ako. Ganoon pala ang mga Born Again Christian? Ang daming bawal. Super strict naman yata ‘yon kung tutuusin. Sa kasalukuyan ay undecided pa rin ako kay Kristoff pero hindi pa ako nag-attempt na makipaghiwalay sa kanya. Kailangan ko pa siguro ng ilang araw bago gawin ‘yon.

“Lex?”

“Hmm?”

“Paano kaya kung magkita tayo. Are you willing to meet me?”

Bigla akong kinilabutan at kinabahan sa sinabi niya. Nag-imagine agad ako sa first meeting namin. Feeling ko ang awkward.

“Sure. After class namin.”

Nagchat kami for further information sa pagmi-meet namin. Sakto, exam lang namin bukas kaya hindi ganoon katagal ang oras ko sa school. I told him na alas tres sa hapon ako pwedeng makipag-meet.

***

“Makikipag-meet siya, Mau,” ani ko kay Maureen.

“Alam ko.”

“Ha? Bakit alam mo?” pagtataka ko pa.

“Aba, syempre! Common sense, Lex. Magkikita at magkikita naman talaga kayo, ‘no,” aniya.

“Sasama ka, ha?” ngumiti ako sa kanya at nag-puppy eyes.

“No way.”

“Oh? Ang arte mo, ‘sama ka nga!”

“Ayoko. Basta sa public place kayo magkita, ah.”

“Opo, Ma’am,” tugon ko at umirap sa kanya sa kadahilanang  ayaw niyang sumama.

***

2:55 nang dumating ako sa meeting place namin. Hindi ko kabisado ang lugar. Mall kasi ito kaya medyo magulo ang alam ko. Hindi kasi ako magala na tao at somehow, nanghihinayang akong hindi ako maalam sa mga lugar-lugar.

Umikot pa ‘ko sa Mall habang nagchachat kay Kristoff.

“Nasa’n ka?” aniya.

“Nandito ako sa may exit.”

“Saang exit?”

“Hindi ko alam basta exit ‘to kasi may mga sasakyan. Parking lot siguro ito.”

“Picture ka nga.”

Agad naman akong sumunod. Pinakita ko sa picture ang mga sasakyan at pati na rin ang exit.

Malikot ang paningin ko. Pabalik-balik sa cellphone at sa kinatatayuan ko.

Maya-maya may nakita akong lalaki na nakatingin sa ’kin. Kinlaro ko pa kung sino ‘yon nang makita ko itong ngumiti at parang hinihintay akong mapalapit sa kanya. Naka-sky blue ang T-shirt and black pants.

Hindi ko alam bakit wala man lang akong naramdamang kaba kun’di excitement lang. Kaya tumakbo ako papalapit sa kanya because I was sure na si Kristoff na ‘yon. Matangkad at medyo payat.

I hugged him nang magkalapit kami. Wala akong paki sa mga nakikita. Obviously, merong nakatingin sa amin kasi Mall ’yon at may mga tao talaga. Pero pakiramdam ko kaming dalawa lang ni Kristoff sa mundo at nagso-slow motion ang lahat nang mayakap ko siya.

Victim Of EvangeligawWhere stories live. Discover now