Prologue

435 19 0
                                    

CASPIAN

"Lumayas ka dito! Wala kang magandang maidudulot sa amin! Wala ka na ngang kwenta, sobrang tamad pa! Wala ka na ring maiambag sa mga bilihin dito sa bahay!" iyan ang sigaw ni Tita Jean sa akin. Nasa labas siya ng aking kuwarto habang buong lakas niyang pinagsisigawan kung gaano ako kawalang-kwenta para sa kanila. I locked the door of my room while I filled my huge gray backpack with all the basic necessities that I'd be needing the most.

Ang pagtilaok ng mga manok ng tito ko, ang umuugong na kulog mula sa kalangitan, at ang malakas niyang paghambalos sa pintuan ng kuwarto ko ang mga tunog na nahahagilap ng aking tainga.

And I swear, those were unpleasant.

Gusto kong sumigaw pabalik, ngunit hindi ko nalang ginawa. Mas mabuti nang manahimik na lang at huwag nang gumawa ng mga bagay na mas ikalalala ng sitwasyon ko, kesa sa matawag akong walang respeto.

I was never the silent person when it came to the truth. I spoke, I stood, and I always cemented myself to my decisions. But now, now that things were getting more complicated, why I resorted to just shut my mouth and never mind these accusations by the person who I always trusted with my savings, the person who my mother trusted to take good care of her only son, and the person who I thought would bring me to the aftermaths that I was desperately longing to set foot on . . . Why? I never knew.

Nagpapatuloy ang kanyang pagsigaw sa labas ng kuwarto ko at hindi ko tuloy maisip ng lubusan kung bakit . . . kung bakit AKO MISMO ANG AALIS SA SARILI KONG PAMAMAHAY.

Yep, you read and heard it brutally right.

This house that they, WE, were currently residing was my mother's house. Siya ang nagpakahirap upang maitayo ito at siya rin ang nagdesisyong ibigay ito sa akin, bilang kaisa-isang anak niya.

3 years ago, I was 15 back then when my mother had, sadly, received our God's hands. It was an accident and I really couldn't fathom the reason as to why such fiercely crime had occured to my very parent!

Kinakalimutan ko naman na 'yan ngunit hindi parin talaga mawala sa isipan ko ang pangyayari. Matapos niyan ay agad ding napagdesisyunan ng aming family lawyer na ibigay nalang sa akin ang bahay. We didn't have business back then so walang ipinamana sa akin si Mama.

Okay naman noong umpisang taon pa lang, ngunit nang makilala niya itong tito Makoy ko na sobrang adik sa sabong ay nagbago ang lahat. Things were always changing as to the aphorism, "Change is the only constant thing in the world."

Hanggang dumating sa point na sinanla na nilang dalawa yung ilan sa mga furniture at mga alahas ni Mama dito sa bahay, magkapera lang. Okay naman sana eh, kaso napunta kase sa sugal, sa pagbabaraha ng tita ko, at sa sabong ni tito.

Ni piso wala akong nakuha.

Were they worst? So far, NOT by how I describe them. I never relly wanted to talk to them so let's just skip that part. They worth our ignorance, I guess?

So ayun na nga, lumayas na nga ako sa sarili kong pamamahay. Matapos kong lumabas ng kwarto ay tinulak pa niya ako pababa sa hagdan. Thanks to my athleticism, I was able to control the weigh of my body plus the weigh my bag had.

"Lumayas ka na dito at 'wag nang babalik pa!"

I wasn't mad at her. It's just I was way too sad knowing that she changed a lot. She wasn't my usual tita who usually showed affection and motherly-care for me. Nagbago na siya at kaalinsabay nito ang aking pagtingin sa kanya bilang pamilya. Hindi naman nawala ang aking respeto sa kanya. Sadyang nabawasan lang at hindi ko pa alam kung paano ko iyon maibabalik sa dating buo.

Half a Heart ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon