Chapter 19

108 8 1
                                    

There were no other vehicles going on the same road that we're taking. Pinahatid na namin kanina sa driver nina Ello ang iba naming mga gamit kaya bumiyahe nalang kaming dalawa gamit ang motor niya.

Highway naman ang daan pero wala talagang ibang bumibiyahe rito. May mga bahay kaming nakikita, pero hindj rin gaano karami. Ramdam ko rin ang lamig ng hangin dahil puro puno ang nasa paligid. Hindi lang kami nakalayo sa university, pero mukhang magbabakasyon din kami rito. The environment really sets a pleasant atmosphere here.

Tahimik pero mabilis ang biyahe namin. Ilang sandali lamang ay nasa harapan na kami ng malawak na bakanteng lote. Ang unang-unang makikita rito ay ang gate na kahoy na binabantayan ng guard. Agad ko naman na-recognize si Mang Alek. We waved at each other.

So this lot is a private property of Sir Drey. Walang ibang nakatira rito sa malawak na bakanteng lote. It is entirely enclosed with a sharp and thorny wires. At least we're safe here.

Ello stopped at the guardhouse and bunped fist with Mang Alek.

"Magandang Umaga, Mang Alek! Na-prepare niyo na po ba ang bahay?"

Mang Alek showed his pinky finger. "Syempre naman! Hindi nga napagod ang hinliliit ko, eh. Alam mo na, basta talaga kasipagan, hindi ako magpapahuli. Matikas na, gwapo pa, masipag, maasahan. Ano pa bang kulang sa akin?"

"Nakalimutan niyo po ang salitang 'mayabang'. At asawa po ang kulang sa inyo Mang Alek," ang tugon naman ni Ello at tumawa naman kami roon.

"Eh ikaw nga wala rin namang nobya, eh! Tigil-tigilan mo ako, Ellong. Kilala ko ang bawat liko sa bituka mo!"

I just smirked on that and laughed at my brain. So this is how great we are at hiding. No one knows it but that chismisong Manvel. Ello raised his eyebrow and looked at him.

"Tama po kayo, wala nga akong girlfriend. Hindi ba, Caspian?" he asked as he put his arm over my shoulder and Mang Alek reverted his gaze to me.

"Ha? Ah, eh . . . Opo. Wala po. W-wala talaga," ang nauutal kong sinabi.

"You suck at lying," Ello whispered to me. Si Mang Alek naman ay naniwala nalang sa aming sinabi at hindi na nagtanong pa.

"At tsaka bago ko malimutan, naghanda na rin ako ng isang kutson para may matulugan ang isa sa inyo. Mag-isa lang kase ang kama dun. Alangan namang magkatabi kayo eh alam ko namang ayaw na ayaw mo ng may katabing katulog, hindi ba?"

Ello nodded but searched for my hand and pressed on it. He was trying not to smile as he said, "Mabuti naman at natatandaan niyo pa, Mang Alek."

"Syempre, ako pa? Eh kulang nalang ihagis mo ang kung sinumang uupo sa kama mo, eh," sagot naman ni Mang Alek na tinawanan naman namin. I remembered how angry Ello was when I sat down on his bed in our dorm.

Somehow, I see this as a sad occurence—them being clueless to our relationship. Kase kapag nalaman nila 'to, sigurado akong magugulat talaga sila at syempre, ayaw ko nang isipin ang iba pang mas malalang reaksyon.

"Aba eh pumunta na kayo ron! Sinigurado ko na rin ang kaligtasan niyo, pati pagkain at yung paligid. Mag-enjoy nalang kayo at huwag mag-alala dahil dito naman ako palagi," ang huli niyang sinabi bago kami bumiyahe ulit sa pinakaloob ng lugar. May dalawandaang metro ang layo mula sa guardhouse ng natatanaw kong maliit na bahay kubo.

It's a very simple hut. As we approached it, I couldn't really help but to feel nostalgic knowing that I had my fair share of living in a rural settings back when I was younger.

Kaya nang tumigil ang motor niya ay agad akong bumaba at ang sariwang hangin agad ang bumungad sa akin.

"I guess we'll stay here for a longer time. Mukhang na-eenjoy mo na agad dito, eh," ang sabi niya habang papalapit sa akin. He wrapped his arms on my waist as he sniffed my neck.

Half a Heart ☑️Where stories live. Discover now