Chapter 13

120 12 1
                                    

I was just scrolling on Instagram whilst the three of them were loudly singing to the tune of Parokya ni Edgar's famous song. Mag aalas-dose na rin ng gabi at nandito pa rin sila at sobrang lasing na.

"IBUHOS NA ANG BEER SA AKING LALAMUNAAAAAAN!" ang pasigaw na kanta nung isa pang guard dito habang nakaupo. Si Mang Alek naman ay nakatayo at sumasayaw na parang macho dancer. Sa kabilang banda naman, sinasandal na ni Ello ang kanyang ulo sa mesa at sa tingin ko ay natutulog na rin siya.

Ubos na ang limang San Miguel Beer nina Mang Alek at malapit na ring maubos ang Red Wine ni Ello. It's an expensive looking one and has a name of 'Marques de Riscal Proximo Tempranillo Rioja'. Kahit mag-iisang metro ang layo nito sa kinauupuan ko ay amoy ko na sobrang bango nito. Halata talagang privileged itong lalaking ito eh.

Magkatabi kaming dalawa kaya sinundot ko ang kanyang tagiliran.

"Pshtt, kaya pa ba?" ang tanong ko at wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. Saktong natapos na ang kantahan session ng dalawang guard nang sinabihan ko nalang silang mauuna na kami.

"Ammm. . . mang Alek, it's already 11:59 na po. Iisang minuto nalang at hindi niyo na po kaarawan. So, baka naman po pwede na kaming mauna? Lasing na kase itong isang 'to eh, " sabi ko sa kanila at tinuro si Ello na ngayon ay gumising at umupo ng matuwid habang nakapikit ang mata.

Oh, wow. He's not a messy drinker daw. Pero ngayon, bahagyang magulo ang kanyang buhok. But . . . fvck. He does look so innocent with a face like that.

"Ehhh?? Who's drunk? Ako? I am. . . not." iyan ang kanyang sinabi at pagkatapos ay sinandal ang kanyang mukha sa aking balikat. Now that he's closer to me, I can smell the hint of blackberry and some sweet fruity aroma in his breathe.

"Okay?? Then, what is this behavior?"

"Sige na, Roof. Dalhin mo nalang 'yan sya sa kwarto niya. Kapag nag deny na 'yan na lasing siya, lasing na talaga siya. Ganyan talaga 'yan, eh. Kapag nagde-deny na siya, ibig sabihin, totoo 'yan. Kaya mabilis ring basahin 'yan kapag kilala mo na siya. Kapag gusto niya ang isang bagay, . . . aayaw siya rito."

"Oh." Medyo napatigil naman ako. He hates me. Does that mean. . . Nevermind. That's an absurd thing to think.

Kaya bago pa man mahantong sa ano pang mga ideology ang lahat, inalalayan ko na siya papunta sa labas ng Guard House. He kept on insisting na dalhin ko raw ang bote ng Red Wine niya kaya ayun, dinala ko.

Nang makarating na kami sa labas ay dumiretso na kami papunta sa pathway na maghahatid sa amin sa pinto ng mansion nila. I keep on describing it as a Mansion kase sobrang laki naman talaga. No doubt Ello gets all the privilege that a parent could offer to him. Na mention din noon ni Nanay Neneng na dalawa silang magkapatid pero ni isa ay wala akong makitang portrait o picture lang man ng kanyang mas nakakatandang kapatid dito sa loob ng mansion.

Sa aming paglalakad ay agad niya akong pinatigil sa daan. Nagulat naman ako kung bakit kaya tinanong ko siya.

"Bakit tayo tumigil?"

"It's midnight, right?"

"Oo, bakit ba? Umakyat nalang tayo para makapagpahinga ka na-"

"Umikot tayo sa likod ng bahay. I have something to tell you."

"Eh? You can just say it here. Bakit kailangan pang umikot doon?"

"Napakareklamador mo talaga. Sinisira mo ang tyempo, eh. Sumunod ka nalang kase! Marami pang dada, eh."

Yes, kinakabahan ako. Ano kaya ang sasabihin niya? May ipapakita kaya siya sa akin? Baka kutsilyo para saksakin ako? O hindi kaya ay pala para paghukayin ako ng sarili kong libingan at ililibing ako ng buhay? O hindi kaya ay pagkain na may lason?

Half a Heart ☑️Where stories live. Discover now