Chapter 7

110 12 1
                                    

Nang makalabas na ako ng kanyang office ay agad akong napahinga ng malalim habang pikit-matang nakatayo lang doon.

I had a mission to fulfill. Hindi ko alam kung ikakasaya ko ba ito o hindi dahil patungkol nga ang misyong ito sa lintik na gagong 'yun. See? Even my choice of words is affected by him.

"I heard everything."

Agad akong nagulat sa boses na 'yun. Nang imulat ko ang aking mga mata ay agad na tumambad sa akin ang ngayon ay nakangiting si Manvel. I almost punched him.

"Kanina ka pa ba dyan?! Pwede bang sa susunod, wag kang manggulat?!" ang sabi ko sa kanya na tinawanan lang niya.

"Okay. But how about that imposed mission? Do you think it's fair?" ang tanong niya at sabay na kaming naglakad. May mangilan-ilang nakatingin sa amin dahil galing kami sa office ni Sir Drey pero hindi na namin yun pinansin pa. Mabuti rin na kasama ko si Manvel sapagkat kahit papaano ay may katulong ako sa pagpapaliwanag sa klase mamaya kung bakit kami late.

"Kinda? I mean, I somehow deserve it and it really reminds me of my status here and the reason kung bakit ako andito," ang sabi ko na tinugunan niya naman ng pagtango.

"Okay, pero kung mahihirapan ka man, alam mong isang tawagan lang ako," he said with a smile. I nodded and reciprocated his gesture and we headed right to our classroom.

Nasa pintuan pa lamang kami ngunit rinig na namin ang nagaganap na discussion sa loob ng klase. Mahigit kumulang kalahating oras ang aming pag-uusap ni Dr Drey kanina kaya nangangalahati na rin ang amin first period. Manvel was the first to enter the classroom with a smile that showed authority. Our Teacher stopped talking and looked at us.

"Excuse us, Sir. I think Dr Drey Seavey himself has already reminded you why we're late right now," ang simpleng sinabi ni Manvel na tinanguan naman ng GenMath teacher namin. He eyed us for the last time and pointed at the general direction of the class.

"Yes, just go and find a vacant seat," ang kanyang utos sa amin. I gave him a small smile and searched for a seat. Dalawang bakanteng upuan sa likuran ang pinuntahan namin ni Manvel. Mabuti nalang at nasa gitnang row ang mokong kaya nakahinga ako ng malalim. Alam kong nagtataka siya kung bakit andito pa rin ako sa university kahit na in-expect na niya na palalayasin na ako ni Dr Drey.

He was staring at me, pero iniignore ko lang siya. Alam kong gusto na niya akong sugurin at saktan, pero wala siyang magagawa sapagkat andito na ako ulit.

"Okay, since our discussion is already done, let's have a short quiz ngayon," ang biglaang anunsyo ni Sir Remus na nagdulot naman ng pagtataka at inis sa aming lahat. Not that everyone was listening in this class since it's General Mathematics that we're talking about.

"Oh lagot! Pakopya sis, ha?" ang rinig ko na binulong ng katabi kong babae sa kanyang kaibigan.

"Pareho lang tayong hindi nakikinig, sis. Ano sa tingin mo ang isasagot ko? Liptint?" ang sagot naman ng kaibigan niya habang naglalagay ng liptint sa kanyang lips. These girls really have the nerves na magpaganda kahit sa loob ng klase? I don't understand them.

Ako naman ay babahagyang nangamba rin sapagkat hindi ko alam ang naidiscuss nila kanina habang wala kami ni Manvel. Mayroon namana akonng stuck knowledge pero alam ko rin sa sarili ko na hindi ko magagamit ito ngayon.

"Psstt," ang dinig ko mula sa aking katabi. It was Manvel and he was currently moving his chair closer to me.

"Ano?" ang tanong ko naman sa kanya sa mahinang boses.

"Alam mo na. Pakopya ha?" ang sabi ni Manvel na pinagmamasdan ang kayang sariling galaw sapagkat nakamasid sa aming direksyon si Sir Remus.

"What's with the noise, class?" ang saad niya na kinatahimik naman ng lahat. "Okay, since it's your game, then I will pretty much be happy to be a part of it. Everybody, STAND UP," ang pagtatapos niya. Agad naman kaming tumalima.

Half a Heart ☑️Where stories live. Discover now