Chapter 9

115 14 2
                                    

Sa loob ng isang oras sa aming klase ay hindi ako maka-focus sa sinasabi ng aming professor. Ello wearing my own shirt still bothered me in a way that even my eyes won't stop looking at him. He's taller, bigger, and probably more mascular compared to my feeble stature. Kaya nagmukhang average sized ang oversized kong damit sa kanya.

"Why do you keep on looking at him?"

"Why do you keep on looking at me looking at him?"

"I don't know about you, but he's looking back," ang sabi ni Manvel sa akin habang nakatingin siya kay Ello. Ako naman ay nagkunwaring naka-focus lang sa pinagsasasabi ng aming professor kahit na ang isipan ko ay lumulutang. Hindi naman mahirap para sa akin ang lessons namin ngayon at madali lang unawain.

"Wag ka nang tumingin sa kanya, baka isiping pinag-uusapan natin siya."

"Bakit, hindi ba?"

"Eh kung suntukin kita dyan?"

"Ang impulsive naman pala ng servant ng isang Othello Mateo Seavey," ang sabi niya sabay ng isang mahinang tawa.

Ilang sandali lang ay tumunog na ang alarm ng school, senyales na next period na namin.

"Okay, pack everything up, we're done for today," says Professor Remus as we all stand up. Isa-isa na ring nagsilabasan ang mga kaklase ko.

Tinignan ko si Ello at medjo busy pa siya sa kakaligpit ng kanyang gamit. Hinila ko muna si Manvel at nang maiwan kami rito. Hanggang sa tatlo na nga lang kami ang naiwan matapos ang ilang sandali.

"Bakit suot mo ang damit ko?" tanong ko sa kanya. He just looked down at me and rolled his eyes as he walked past me. Hindi siya sumagot kaya naman kinalabit ko siya.

"Hoy! Nagtatanong ako tapos lalayasan mo lang? Wala ka talagang res-"

"Ano? Walang respeto?" ang tanong naman niya sa mahinang boses na parang nabuburyo siya.

Ako naman ang natahimik. I cleared my throat.

"Nevermind. Bakit mo kase suot ang damit ko, eh wala ka namang paalam."

Nakita kong medyo nagulat si Manvel. "Eh? Damit mo ba 'yan?"

"Pangalawang ulit ko na to, Manvel. Hindi ka ba nakikinig?"

"Eh ano naman kung sayo to? Nagreklamo ba ako 'nung pinasuot ko sayo 'yung jacket ko?" tanong ni Ello.

"Oo nga naman," ang panggagatong pa ni Manvel na kinurot ko naman. "Arayyy!"

"Kahit na. Dapat pinagbigay paalam mo muna 'yan sa akin."

Ello scoffed and put his bag on a chair. Pati yung jacket niya sa kanyang balikat ay binaba niya rin. Hanggang sa nagtangka siyang hubarin ang suot niyang damit ko. Which obviously panicked me.

"Anong ginagawa mo? 'Wag kang maghubad dito!" ang sabi ko at tinakpan ang aking mga mata gamit ang mga palad ko.

"As if you haven't seen all of these in our dorm," ang malumanay niyang sagot.

"Naghubaran kayong dalawa?" asked Manvel. I mentally facepalmed kaya isa na namang pagkurot ang ginawa ko sa kanya.

Ello paused and raised his eyebrows, waiting for me to say anything. Ako nalang din ang sumuko para hindi na lumala pa ang pagiging awkward ko ngayon.

"Fine. Keep it," ang sabi ko naman na sinunod niya. I mean, the shirt fits his skin color and it kinda suits him. Hindi naman sa sinasabi kong hindi ito bagay sa akin, pero parang ganun na nga.

Ello coughed and I can tell by the sound of it that he's still not feeling well. Idagdag pa riyan ang medyo malamya niyang pagkilos, ang demeanor ng kanyang mata, at ang medyo namumutla niyang pisngi. I'm not a medical expert that can detect unhealthy people, pero alam ko lang na kapag nilalagnat ako ay nagmumukha akong zombie. And Ello looks like one right now. Just more handsome. Yeah.

Half a Heart ☑️Where stories live. Discover now