Chapter 6

128 12 0
                                    

I look so miserable. Wala akong tulog kagabi at naabutan ko pang tumunog ang aking alarm. As I look at myself in the mirror, I almost laugh at the darkish circles around my eyes.

This will be my last day here, and I am certain that by afternoon, babalik na naman ako sa labas ng Uni, marahil ay magpalaboy-laboy nalang din ako. Who knows?

Hindi ko pa sinabihan si Manvel tungkol dito at sa tingin ko ay hindi ko nalang sasabihin sa kanya. But he's already a friend and it's only fair in his part if I tell him about this.

Shuta naman kase itong si Ello. Kung saan nag-uumpisa palang ako ay tinapos na niya agad. I mean, I can't blame him kase ako rin naman ang may kasalanan sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon.

Ngayon ay 5:21 pa lamang ng umaga at wala na sa kanyang higaan si Ello. Siguro ay nagjogging siya kanina pa. Nang madako naman sa kanyang bedside table ang aking paningin ay nakita kong mayroong isang note dito.

It says:
Last morning, last breakfast, last day. What a horrible day for you. NOT ON MY PART. PACK EVERYTHING UP AND GO.

Agad ko itong kinuha at sinira. Tinapon ko rin ito sa basurahan. I mean, that's basically a trash coming from a trashy person.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis at binakwit lahat ng aking mga gamit sa cabinet at nilagay na sa aking kama. I can't believe that it's basically the fist time that I will be wearing my Seavey Uni's uniform—sa huling araw ko na rito.

Nakaramdam ako ng pagkagutom kaya pagkatapos kong makapagligpit ay agad akong pumunta sa cafeteria. May nakakasabay akong mga estudyante at habang naglalakad ay napadaan ako sa football field ng Uni.

And guess what? Yes, nakita ko ang demonyo kong roommate. Napagpapawisan na rin siya, pero medyo nainggit ako sapagkat mukhang bagong ligo lamang siya samantalang ang iba ay nadudugyot na.

Nang magtama ang aming paningin ay ngumisi siya sa akin na tila ay pinaglalaruan ang aking sitwasyon ngayon. I gave him a middle finger as he rolled his eyes.

Nang makarating na ako sa cafeteria ay kumain ako nang kumain. This will be my last meal here, so I better make the most out of it. Nakadalawang tray ako at pangtitinginan din ako ng mga malapit sa aking table. Hindi ko naman sila pinansin hanggang sa matapos na ko.

Narinig ko kagabi na dapat before 8 ay andon na ako sa office ni Sir Drey. 7:44 na sa aking phone at ako nga ay kinakabahan na. Hindi naman siguro ako sasaktan ni Sir Drey hindi ba?

Pero mayroon akong isang problema: hindi ko alam kung saan ang office ni Sir Drey. Kaya ngayon ay isang tao lang ang sumagi sa isip ko.

I took my phone out of my pocket and dialled his number. After three rings, he answered already.

"Yes, sunny?"

I'm gonna be honest here. Ang pagbibigay niya ng sari-saring palayaw sa akin ang isa sa hahanap-hanapin ko kapag nakaalis na ako rito mamaya.

"Hey . . . Saan ka?"

"Sa dorm pa. Susunduin na sana kita papunta sa first class natin, eh. You missed me already?" ang tanong niya at kahit hindi kami physically na magkaharap ay ramdam ko ang kanyang ngiti.

I chuckled before I answered, "Nandito ako ngayon sa cafeteria at pupunta sana ako sa office ni Sir Drey, pero hindi ko alam kung saan. Samahan mo naman muna ako, please?"

"Did you just say 'please'? Okay now I'm going. Give me a minute," ang sabi niya sa kabilang linya at binaba ang tawag.  Hindi naman malayo ang dorm dito kaya matapos ang ilang minuto ay andyan na nga siya.

He looks tired, maybe from running, and he waves his hand on me. Agad ko siyang nilapitan at nagulat ako nang bigla na lamang niyang kinurot ang pisngi ko.

Half a Heart ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon