This day couldn't get more annoying.
Sa loob ng mahabang oras ay wala akong ginawa kundi ang maglinis lang ng buong dorm. Yung suka niya sa pintuan, ang CR, at ang mga damit na hinubad niya ay nilagay ko rin sa washing machine kasama ang mga ginamit niyang jersey nung nagpractice sila.
You see, hindi ako nakatulog nang maayos at maaga na kahit ang alarm ko ay naabutan ko pang tumunog. Idagdag mo pa riyan ang pagtulog ni Ello sa aking kama. Kaya wala kong ibang choice kung hindi ay mahiga nalang din sa kanyang kama.
Nang matapos ko na ang lahat ay hindi ko alam kung bakit sobrang pagod ko eh hindi naman ako nagbuhat ng mga mabibigat na bagay. Siguro ay dahil lang ito sa kakulangan ng tulog. Andyan na rin ang Haring Araw sa labas at hindi na nga ako natulog pa sapagkat kailangan ko pang kumuha ng breakfast para sa akin at kay Ello na hanggang ngayon ay hindi pa nga nagigising. Hindi niya naman yan inutos sa akin. I think it's just my attempt para maging magaan kahit papaano ang sitwasyon naming dalawa.
7:21 AM na sa phone ko nang makabalik ako sa amig dorm bitbit ang pagkain naming dalawa. Pagpasok ko ay tulog pa rin ang mokong at hindi ko nalang siya ginising.
Then, out of nowhere, biglang nag-ring ang phone ko. It was Manvel.
"Yes?"
"O, bakit parang tunog baka ka pa? Kakagising mo lang no?"
"Ulol. Hindi pa nga ako nakakatulog, e."
"Bakit naman? Can't stop thinking of me?"
"You wish. I just had an almost six hours of cleaning our dorm kase may batang lasing na umuwi kaninang hatinggabi."
"Ello? Is he awake already?"
"Not yet. Pero I wish na hindi na, kase sobrang laki na ng perwisyo niya sa akin. I am currently tired and my head is kinda spinning. Pero kaya naman. So far."
"Ha? You need to wake him up! We have our training exactly eight this morning."
"Ayaw ko nga, baka atakihin pa ako nAyawyan, eh. Alam mo na, mukha siyang isang tigre sa loob ng katawan ng pusa."
I heard a soft chuckle from Manvel. "Yeah, yeah. Sige, hayaan mo nalang siya at kapag nagising ay sabihan mo na mayroon pa kaming training, ha? May gagawin lang ako. See you later!"
Then I heard a beep from the other line, maybe signalling for an end call, and as if he heard I and Manvel's conversation, I noticed that Ello moved from my bed and eventually woke up. Bumangon siya at nagstretch ng kanyang katawan. He looked at me, while I was still on his bed, and blinked thrice. Upon realizing that something is wrong with our current positions, his eyes widen.
"Why on earth am I here in your bed?!"
It took him less than 5 seconds to hastily get out of my bed and went into the bathroom. He was wearing nothing but his underwear and I only happened to see it on my peripheral vision since I wasn't directly looking at him.
And I have no plans.
"May ginawa ka sa akin habang natutulog ako, no?! Why am I not wearing anything aside from my undies, you rapist!" sigaw niya mula sa banyo. Medyo nawala nang ilang segundo ang paghilo ng ulo ko dahil sa kanyang sinabi at napatawa nalang nang bahagya. He really has no idea about his tipsy acts last night. Hindi naman ako sumagot sa kanya at niligpit nalang ang kama ko. Luckily, he didn't vomit here and it didn't even have a stinky smell on my sheets. But, of course, I have to wash it.
Nang lumabas na siya nang banyo ay nagbihis din agad siya. I just stared on my phone the entire time that he was doing so. Hanggang sa lumapit siya sa harapan ko at tsaka nilagay ang magkabilang kamay niya sa kanyang bewang. Mukha siyang isang nanay na handang idisiplina ang kanyang anak—baby.
BINABASA MO ANG
Half a Heart ☑️
Teen Fiction(COMPLETED) Matapos na mawala ang kanyang ina, wala nang natira kay Caspian Rufus Torres maliban sa kanyang bahay-ang huling regalo ng kanyang ina sa kanya. Ilang taon na ang lumipas, ngunit hindi na siya nakakita pa ng rason upang manatili roon dah...