Capitulo Diez

169 16 6
                                    



Capitulo Diez




HINDI ko mawari kung bakit ako nagkakaganito. Dapat ay hindi ko naman pinagtutunan ng pansin ang mga sinabi sa akin ni Florenzo noong nakaraang linggo. Natural na sigurong sinasabi ng isang amigo na nais pa niyang makasama ng matagal ang kanyang amiga. Hindi dapat iyon binibigyan ng malisya. Ngunit heto ang aking isipan. Hindi matahimik dahil sa sinabi ni Florenzo.

"Anastasia, nakikinig ka ba?"

Para akong hinila bigla sa realidad. Nag-uusap nga pala kami ni Papa tungkol sa hacienda ni Tiya Lucita. "P-Po?"

"Sa suhestiyon mo tungkol sa pagpapaganda sa mga pananim sa Hacienda Irabon. Ano nga ba iyon? Baka makatulong din sa ating hacienda."

"Ah iyon po ba." Sinabi ko kaagad kay Papa ang mga suhestiyon ko para mas mapaganda ang mga taniman sa Hacienda Irabon. Sa totoo lamang, galing kay Manuel ang mga ideyang iyon. Hindi ko lamang nagawa kaagad sa Hacienda Irabon dahil pinaubaya ni Papa kay Florenzo ang pagpapatakbo sa hacienda. "Maaari rin pong gawin natin iyon sa Hacienda Realonzo. Malaking tulong ito sa atin at mas mapapalawak pa natin ang pagluluwas ng mga naani natin."

"Tama ka, hija. Gagawin kaagad natin iyan. Para hindi tayo mawala sa mga nangunguna sa pagluluwas ng mga produktong galing dito sa San Carlos." Tumango ako bilang pagtugon sa sinabi ni Papa. Simula nang si Kuya Gabriel ang namuno sa Hacienda Realonzo, nangunguna na kami sa pagluluwas ng mga produkto papunta hindi lamang sa Maynila kundi pati na rin sa ibang panig ng Luzon. Nagpatuloy iyon hanggang ngayon.

"Maganda rin po kung magagawa nating mailuwas ang ating mga produkto hanggang sa Visayas. Mas mapalalaki pa natin ang atin kita." Matagal ko na itong plano. Humahanap lamang ako ng tamang panahon para matupad ko ang aking plano.

"Susubukan natin iyan ngayong taon. Marami rin tayong matutulungang mga manggagawa natin dahil magagawa na nating maitaas ulit ang kanilang suweldo."

Muli'y tumango ako bilang pagsang-ayon. Matagal nang nais gawin iyon ni Papa. Ang mapataas muli ang suweldo ng aming mga manggagawa. Na kahit sa simpleng pagtaas ng suweldo'y makatulong si Papa sa kanila kapalit ng buong pusong pagtatrabaho nila sa aming hacienda. Tumingin ako sa bintana. Hindi pa dumadalaw rito si Florenzo simula nang siya'y lumipat ng tirahan. Lalo tuloy akong hindi mapalagay dahil sa hindi niya pagpaparamdam.

Nais ko siyang makasama ngunit may parte sa akin na ayaw ko munang makita siya. Nais na makasama dahil nagiging payapa ang aking loob kapag kasama ko siya. Sa kabilang banda, ayaw ko rin munang makita siya dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin kung hanggang ngayon ay hindi pa rin mawaglit sa aking isipan ang kanyang mga sinabi noon. Para sa akin, para bang may pinatutungkulan siya sa sinabi niyang gusto pa niyang makasama ako ng matagal bago siya mawala sa mundong ito.

"Anastasia, tila ba'y kay lalim ng iyong iniisip. Si no te importa que te pregunte, ¿qué está corriendo en tu mente?"

"Naku! Wala po iyon, Papa. Tungkol lang naman iyon sa pagpapabuti ng ating mga hacienda."

Tinitigan ako ni Papa na tila ba'y sinasabi niyang hindi siya naniniwala sa akin.

"Papa, totoo po ang aking sinasabi. Naisip ko rin po na maaari nating gamitin ang ideya sa Europa sa pagpapaganda ng mga sakahan. Kumbaga, gawin nating moderno ang ating pagsasaka gaya ng modernisasyong nagaganap sa Europa. Mapapabilis ng modernong mga kagamitan ang ating pagsasaka, pag-aani, at paggawa pa ng ibang mga produkto natin. Balita ko'y may bagong imbensyong makina para mapabilis ang paghahabi ng sinulid at tela. Bakit hindi po natin subukan iyon?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Una Eternidad en el CorazonWhere stories live. Discover now