12

1.4K 74 4
                                    


Pagkatapos ng pagtatalo namin ay dumiretso pa rin ako para makipagkita kay Patrick. I had only known him as an engineer who worked for the home office and still going out on a date with him seemed like a good idea.

"Sorry sa paghihintay," I told him with an apologetic smile.

"It's okay, it's worth the wait. You ready?" Tanong niya nang sunduin niya ko sa labas ng condo.

Tumango lang ako bilang pagtugon at pumasok na sa sasakyan. "You look beautiful," papuri niya.

"Thanks." I smiled.

Patrick seemd good looking but not an extraordinarily handsome man, he was of average height and weight, had average black hair and brown eyes. Mayroon siyang magandang ngiti at nakakahawang tawa, kaya nang tumawag siya, wala akong maisip na dahilan para tumanggi.

"Dito na tayo." Aniya pagkatigil ng kotse at hindi ko maiwasang manlumo. Huminto kami sa isang fastfood chain na hindi ko inasahan, akala ko ay kakain kami sa isang restaurant dahil pormal ang aking suot na damit ko. I looked down at the pale green dress I had chosen to wear and sighed. Hindi man lang niya ako sinabihan man lang muna.

Naglakad kami sa mataong lugar sa loob ng fast food chain. Sa pinakadulo kami naupo na hindi abot ng aircon. We slipped into the bottom table na hindi abot ng aircon. Hindi ko plano na magpalipas ng gabi sa isang fast food chain at umorder ng burger steak.

Gusto ko mag-unwind at uminom, pero hindi interesado si Patrick sa unwinding at hindi rin siya umiinom. Masiyado siyang matipid at tubig lang ang gusto niyang drinks. Nang makaupo kami, siya ang nag-order para sa amin, di man lang niya ako tinanong kung ano ang gusto ko. Hindi sa pagiging choosy at demanding pero hindi na ito isang teenage date at pareho na rin kaming may trabaho. Namahalan pa siya sa presyo ng burger.

My dinner selections were also limited because of the discount coupons and reaching over, he eagerly pointed to the six items from which I had to choose.

Ang saklap. Past eleven na nang inihatid niya ako ng condo. Umuwi akong pagod, at nang maglakad ako pahakbang sa unit ko ay isa lang ang nasa isip ko, ang uminom ng wine.

Closing the door on one of the worst nights of my life, I opened a bottle of wine. I poured myself a large glass and wearily trudged up the stairs.

Nagpalit ako ng pinaka-komportableng pantulog. Ang pinakamasaklap na araw ay nagtapos din sa wakas at least yun ang akala ko...

Pagkalipas ng dalawang oras, tumawag sa akin si Tren.

*****

Pinagmasdan ko ang sala, puno ng mga kalat na parang dinaanan ng buhawi sa loob. Ang maliit na upuan ay natumba at ganoon din ang nangyari sa coffee table, ang mga libro ay nagkalat sa buong sahig.

Nawasak ang lampshade at ang iba pang mga babasaging gamit. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto ay agad akong napatingin kay Tren.

"How bad is she?" may pag-alalang tanong ko sa kaniya.

"Hindi pa siya gumagalaw o nagsalita simula nang dumating ako dito."

"Is she okay? I mean, physically?"

"Honestly, hindi ko alam. Ang mga pulis ay hindi naman sinabing nasaktan siya, pero walang sino man ang nakalapit sa kaniya para icheck ang kalagayan niya. Naging kalmado lang siya nang makita ako, so I just closed the bedroom door until I could get everyone out. You know how bad she is around strangers."

Nagbuntong hininga na lang ako at napatitig sa sahig para kunin ang isang libro, then I realized how pointless it was. "This place is a wreck. Hindi na siya pwedeng manatili pa dito."

CLOSER WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon