32

1.2K 73 5
                                    


"Haven.. I..I---"

"Ssshhh...don't say a word, Hail, I don't want to know if you're sorry, if you love me or you don't," putol ko sa sasabihin niya.

I embraced her and I pressed my forehead on hers. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "Let's just enjoy the time that we had. Let me love you...like crazy," bulong ko sa kaniya. Marahang binunggo ko pisngi niya gamit ang ilong ko at banayad na hinaplos. Napangiti ako nang makita ko siyang namula.

She's so adorable. I kissed her left cheek.

"Let's go?" Yaya ko kay Hail at hinawakan ko na ang kamay niya.

"L-let me get my things," she said with a slight redness on her face.

"Okey, I'll wait here," sambit ko. Hinayaan ko na siya na umalis, pumunta siya sa elevator at pumasok na ito. Habang dahan-dahan sumasara ang pinto, nakapako pa rin ang paningin ko sa kaniya at hindi pa rin mapawi ang mga ngiti ko sa labi.

What just happened? Kanina lang durog na durog ako, daig ko pa ang nag-bungee jump ngunit ngayon ay kumpleto na ang pakiramdam ko. I felt so alive. Hail could take away all the pain, in a snap. Funny, how she made my world collapse then made it whole again.

Tumingin ako sa labas, nakikita ko pa rin ang mga taong may mga dalang lantern na bilog. Siguro kanina pa nagsimula ang parade at sa harap ng building ang hintuan nito. Iginala ko ang paningin ko sa loob. Nakita ko ang guard na natutulog sa isang sulok. I could not help but laugh. Well, he just missed the drama I'm having a while ago. Daig pa niya ang nakapanood ng live teleserye kung nagkataon. Napabuntong hininga na lang ako.

TING!

That sound made my heart jump. There she was, walking towards me.

She's so lovely.

Hinawakan ko na kamay niya at sabay na kaming naglakad patungo sa labas. Nang makalabas na kami ay isang mabining hangin ang sumalubong sa amin. Napakainit ng palad ni Hail habang hawak ko ang kamay niya, nang may naramdaman akong kakaiba at biglang nanlamig kamay nito. May nakita akong takot sa mga mata niya. "What's wrong Hail?"

"I-I'm scared," saad niya na namumutla. Nakatutok ang mga mata niya sa harap. Sinundan ko kung saan siya nakatingin, ngayon ko lang napansin kung ano ang kinatatakutan niya.

Bumungad sa amin ang maraming tao. Nagkakaroon ng anxiety si Hail sa matataong lugar.

"It's fine, Hail, we'll just go to another direction. I know the way kung saan wala masyadong tao." I assured her, gently squeezing her hand. "Wala ka dapat ikatakot, I'm here."

She breathe deeply for a while and she looked down. Still holding her hand. I touched her chin, so she can look at me and I brushed a few strands of hair, covering her face. "We can wait until the festival is over," I told her to ease her fear.

Mataman niya akong tinitigan, naramdaman ko na parang nabawasan ang takot niya kumpara kanina. "Maybe, maybe I can do it?"

"I want to face my fear, Haven...I want to t-try," sagot niyang nakatingin sa akin.

"Sasamahan kita, Hail."

Umiling si Hail. "N-no...let me do it alone...please?"

Nakita kong determinado siya at gusto niya tumawid sa kabilang daan para puntahan ang mataong lugar. "Are you sure? " tanong ko sa kaniya.

She nodded. "Y-yes..."

Nginitian ko siya at marahan akong tumango.

"If I get lost in the crowd..."

"Hahanapin kita, Hail," putol ko sa sasabihin niya.

"M-maghihintay ako...Haven."

"Go...I'll turn my back and I'll count one to ten." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at marahan ko siyang hinalikan sa labi. "I love you...Hail," sabay kong bulong.

CLOSER WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon