CHAPTER 7

22.4K 1.2K 1.4K
                                    

A/N: Please be aware that this story is unedited, sorry sa mga wrong typos and grammars


Yen


It's tuesday. Palabas ako sa classroom namin mula sa major subject kong Culinary 405 Food Styling & Design nang salubongin ako ng ex-boyfriend kong si Joaquin. Agad nasira araw ko.

"Anong kailangan mo sakin?" isang nakakamatay na tingin ang ipinukol ko dito.

"Wala, na-miss lang kita. Ikaw ba, na-miss mo ba'ko?"

"Sorry, hindi kita na-miss." i rolled my eyes at him bago tumalikod at naglakad palayo.

"Ouch, Yen. Hanggang ngayon ba galit ka pa rin sakin?"

"Ano bang inexpect mo? Magdiwang ako sa saya pagkatapos mo 'kong lokohin at tinarantado ganon?"

Tumawa ito. "Naks naman, hindi pa naka-move on."

"FYI, naka move on na'ko sayo noh."

"Weh talaga? Kaya pala wala kang naging boyfriend simula 'nong nag-break tayo."

"Lol dyan ka nagkakamali, may manliligaw kaya ako."

"Manliligaw pero hindi jinowa?" he laughed and smirked. "Hinihintay ko ba'ko, labs? Single ako ngayon. Baka gusto mo ng comeback."

"Ewww hatdog." lumiko ako saka bumaba ng hagdan.

"Kung maka eww 'to parang hindi ka patay na patay sa'kin dati ah." nakasunod ito.

"Dati yun at hindi na ngayon. Sino ka ba? Huwag mo nga akong sundan."

Tumawa ulit ito. "Na miss ko talaga yang katarayan mo, Yen. Sure ka ayaw mo 'kong balikan? Promise hindi na'ko magloloko."

"Kwento mo yan sa pagong." nasa school lobby na kami. Paglabas ko ng main gate ay nakasunod pa rin sa'kin si Joaquin.

"Uuwi ka na ba? Dala ko motor ko. Gusto mo bang magpahatid?"

"No thanks." agad kong tanggi.

"Sus huwag ka ng mahiya halika na, sabay na tayo."

"Ayoko nga, umalis ka dyan ng mag-isa."

Lumapit ito at inakbayan ako. "Tara na, hatid na kita. For old times sake."

"Ano ba?" itinulak ko ito palayo. "Tigilan mo nga ako, Joaquin."

"Tsk pakipot ka parin talaga tulad ng dati, Yen. Kaya siguro walang nagtatagal sayo e."

Masama ko itong tinignan. Gagong 'to!

"Dali na huwag ka ng mag-inarte, ihahatid na kita." hinawakan nito ang pulsohan ko.

"Bitawan mo 'ko isa." nagpumiglas ako pero ayaw nitong bumitaw. "Joaquin!"

"Samahan mo muna ako sa bahay, may kukunin lang tayo."

"Ayoko bahala ka dyan!" pilit kong bawiin ang pulsohan ko pero ayaw nitong bitawan. "Joaquin, ano ba?" nagsimula na akong mag-panic.

A Chef's Kiss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon