CHAPTER 8

24K 1.2K 1.1K
                                    

Vaughn


Maganda, maliit at maldita.

Ito ang komento ng isip ko habang aliw na pinagmasdan ang litrato ni Yen mula sa resumé na dati niyang isinubmit sa V's Palace. Kasalukuyan akong nasa admin office ng restaurant at nagpahinga mula sa pagbabasa ng monthly summary reports.

Nakita ko 'tong resumé niya sa ilalim ng drawer kasama ang iba pang mga resumé ng mga nag-interns. Wala sana akong balak ungkatin ito pero dahil na-curios ako ay binasa ko na.

Name: Yvonne Cassidy Chua Albrecht.
Date of birth: June 15, 20**
Place of birth: Cagayan De Oro City
Civil Status: Single

Tertiary: University of the Philippines - Diliman
Course: BS in Hotel & Restaurant Management

Damn, UP Diliman. Sa pagkaalam ko ay scholar din siya tulad ni Gail. She must be brilliant, i'm impressed.

Yvonne. Hmm eto pala ang totoong pangalan niya. Funny because it almost sounded like my name. Mukhang foreigner ata yung papa niya. No wonder mestisa yung dating niya. Pero siya lang ata 'tong may dugong banyaga na maliit. She's a whole smol bean with a mean attitude. Though, I kinda find it enticing everytime she talks back at me. I don't even know why. Naaliw lang ako sa katarayan ng minion na 'to kasi para akong nakipag-away sa isang batang walang muwang.

Oh wait, she is a kid.

Tinignan ko ulit ang birthdate niya at napangiwi.

Yup, a kid indeed. 22 years old pa lang siya. Jeeez kaya naman pala pikonin e. Siya yung tipong tao na kapag inaway mo ay magbaback fire sayo ng doble. Ang sungit. Pero kahit ganon ay desidido parin akong kunin siya bilang bahagi ng pastry team ng V's Palace. I wasn't lying when i told her that her way of baking cakes & desserts is addictive. Minsan lang akong umappreciate sa luto ng iba kaya totoo talaga ang sinabi ko. I'm still thinking a way of how to convince her though.

Sinulyapan ko ang phone ko para tignan kung may reply ba siya, kaso wala. I'm pretty sure she blocked me again. Naka-ilang palit na'ko ng simcard para lang i-reached out siya pero laging block yung bagsak ko.

That kid is really annoying, alam niya kasing may kailangan ako kaya nagpapahabol. Sa tuwing pupunta ako ng café ay wala siya. Kapag pinuntahan ko rin naman siya doon sa pangit nilang dorm ay wala rin. Kapag nag-aabang ako sa labas ng school gate ay hindi ko rin siya makita. She's playing hide and seek with me. Eto ang napala ko after ko itong sagipin mula 'don sa walang kwentang ex-boyfriend nito. What a great way to say thank you.💀

And speaking of her motherfucking ex, nabubwesit talaga ako sa lalaking 'yon. Napaka-bastos. Buti nalang at naisipan kong abangan si Goldilocks sa labas ng school gate nila ng araw na 'yon. At hindi ako nagsisisi gulpihin yung ex niyang kulang-kulang na nga sa hitsura, wala pang respeto. He deserves every punch i made.

Ibinalik ko ang folder sa drawer at saka sumandal sa swivel chair. Mamayang gabi na yung flight ko for Cebu at magtatagal ulit ako doon ng ilang linggo. It's going to be a busy month for me and for sure hindi ko na makukulit pa si Goldilocks.

Nagpasya akong puntahan siya ngayon sa Café.
I know it's her duty today. Nalaman ko 'to dahil binayaran ko yung co-worker niyang si Ian para ibigay sa'kin yung working schedules niya. Tignan lang natin kung matatakasan pa niya 'ko.

I grab my keys and went outside the restaurant. Isinuot ko ang helmet at sumakay sa aking Ducati bigbike. I started the engine and drive away.

You can't hide from me forever you little minion.









A Chef's Kiss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon