Chapter 11 - No More Secret

128 5 1
                                    

Imee’s POV

Pagpasok ko ng kwarto biglang may kumatok. Si Irene pala, So I open the door and hug Irene.

Irene: Okay ka lang Manang? (habang nakayakap saken)

: Pumasok ka muna at isara mo yung pinto Irene

*Irene Lock the door and follow Imee on her bed.

Irene: Manang, ano ba pag-uusapan naten?

: Irene, alam kong mahirap akong paniwalaan sa mga sasabihin pero sana maintindihan mo ko. Ikaw kasi ang gusto kong unang makaalam nito. I hide it to everyone for a long time…

Irene: Ano nga ate? May asawa ka naba? May sakit ka? OMG ate mamamatay ka na ba kaya ka nagimbita mag dinner bukas?

: Siraulo ka talaga eh noh, wala akong saket, at mas lalong di ako mamatay, at anong asawa sinasabi mo? Irene seryoso ako. Hindi biro tong kainakaharap ko.

Irene: Eh ano nga yun ate?

: Irene, naalala mo nung 24 years old ako? I decided to separate from you sa Malacanang diba? I live alone at Manila for a year. At hindi totoo na bubukod ako para makapag-focus sap ag-aaral ko. Bumukod ako dahil dalawang linggo Nakong buntis.

Irene: Buntis? Eh ate nabuntis ka kay Borgy 26 years old ka, so ibig sabihin hindi si Borgy ang Panganay mo ate?

: Hinde, it’s just one night and I didn’t expect na mabubuntis ako agad.

Irene: Alam bat oh ni kuya Tommy? Sino ang tatay?

: Hindi, at hindi na mahalaga kung sino ang ama. Dahil may asawa at anak na sya nun.

Irene: (Still in shock) Ate! Tinago mo yung panganay na apo at pamangkin namen for almost 40 years. Saan na sya ngayon?

: Hindi ko alam, binigay ko siya kila Nanay Siony bago sila umalis sa Malacanang. Binigyan ko sya ng Pangalan, Almira Josefa Remedios.

Irene: Pangalan lang, di kasama apelyido?

: Hindi.

Irene: Ate! Bakit mo ginawa yun?

: Dahil ayaw ko ng bahiran pa ng kahihiyan yung Pangalan naten. Di ako handang maging ina ng mag-isa.

Irene: Kaya gumawa ka rin ng masama? Ate maiintindihan naman naming kung nagkamali ka na pumatol ka sa may asawa at mabuntis ka eh. Pero yung ipinamigay mo sya at itago samen ng mahabang panahon yung anak mo? Sobra yun ate.

: Alam ko, mahirap ako paniwalaan at intindihin, pero yun lang ang naisip kong paraan noon. Irene ikaw ang una kong sinabihan dahil kailangan ko ng tulong mo. Balak ko na sabihin sa lahat.

Irene: Bakit ngayon lang? Anong mabuting anghel ang bumulong sayo?

: Dahil gusto kong hanapin si Almira. Irene! matutulungan mo ba ako o hindi?

Irene: Tutulong ako. Pero ate, di magiging madali sa lahat yang sasabihin mo. Kahit ako hanggang ngayon, di ko alam kung ano nararamdaman ko dahil tinago mo yan samen. May kakilala akong kaibigan ni Greggy na Private Investigator. Pwede mo ipahanap si Almira at Aling Siony sa kanila. Pero bukas di ko alam kung matutulungan kita ate, it’s all yours. Mauna na ako sa kwarto ko ate, matulog ka na para makapag handa bukas.

Irene’s POV

Bumalik nako sa kwarto ko. Aaminin ko na nagulat ako sa mga revelation ni Ate. Di ako galit sa kanya, nagtatampo Oo, kasi akala ko wala kaming sikreto sa isa’t-isa. Kasi yun yung pangako namen sa isa’t-isa bago kami maghiwa-hiwalay eh. Kinakabahan ako para sa kanya, alam kong magugulat ang lahat, lalo na si Borgy. Ayaw na ayaw nya ng may tinatago sa kanila si Ate eh, ang Malala pa dun kapatid pa nila. Sana talaga kayanin ni ate ang mga mangyayari bukas.

Broken PromisesWhere stories live. Discover now