CHAPTER 4

357 14 21
                                    

Even after getting out of the car, Volter seems so annoyed at my presence. Baliw. Mainis siya hanggang gusto niya dahil kahit naman ako ay walang magagawa kung ‘di manatili rito kasama siya dahil misyon ko ‘to.

Magtiis siya sa akin.

“My schedule,” aniya habang nasa elevator kami.

At dahil kabisado ko na ang schedule niya ngayong araw ay hindi ko na kinailangang tingnan pa ulit ‘yon sa notes ko.

“You have a meeting with the board members about the new project and some proposals at 9am. You have an appointment meeting with Caballero Interprise’s President at 11am. And last meeting with some engineers at 3pm. That’s all.” tuloy-tuloy kong sambit habang nakatingin lang sa harapan.

I saw him get his phone out of his pocket and dialed someone. Hindi ko na lang ‘yon pinansin dahil mukhang tungkol pa rin sa trabaho ‘yon.

“Take him out,” he said, making me frown. Maya-maya ay pinatay na niya ang tawag at ibinulsang muli ang cellphone.

“Sino kausap mo?” Hindi ko na napigilan pang magtanong dahil na-curious ako.

He glared at me, “pakialam mo?”

“Sungit mo, sir.” Pang-aasar ko na hindi na niya pinatulan.

Pagkalabas ng elevator ay dumiretso na ako sa aking lamesa sa labas ng kaniyang opisina. Iritado naman siyang pumasok sa loob ng kaniyang opisina na ikinangisi ko lang.

Sa pintuan ay pumuwesto ng tayo sa magkabilang gilid sina Colton at Tessa. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na sa ginagawa. Nag-check ako ng emails at paminsan-minsan ay tinatanong si Volter, through intercom, about some personalities asking for an appointments. Kapag pumapayag siya ay nirereplyan ko ng schedule ang nag-email at magpapatuloy nang muli sa aking ginagawa.

8:45am nang tumayo ako sa aking swivel chair para pumasok sa loob ng opisina ni Volter. He was busy scribbling something in a tons of paperwork when I suddenly appear in his office. He stopped and look up at me.

“What now, Flinsky?” napanguso ako nang sambitin niya na naman ang pangalan ko.

What a music to my ears.

“Meeting with the board members, 9am.” sambit ko ay humalikipkip sa harap niya. “It’s already 8:46am, Sir.” may diing dagdag ko.

“Alright,” aniya bago tumayo kaya lumabas na ako ng opisina niya para kunin ang notepad ko para sa kung anong p’wedeng kailangang tandaan sa meeting.

Ilang sandali pa ay lumabas na si Volter na nagsusuot na ng coat at inaayos ang necktie.

“Hotty,” I murmured.

Napatingin siya sa akin at sinamaan ako ng tingin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at sumunod na sa kaniya paalis, gano’n din sina Colton at Tessa.

Nang makasakay kami sa elevator ay naramdaman kong sumasakit ang puson ko kaya naman napahawak ako ro’n at napangiwi sa naramdaman. Napatingin sa akin si Volter na nakakunot ang noo. Hindi ko na lang siya pinansin at kinagat ang pang-ibabang labi dahil sumisigid nang bahagya ang sakit no’n.

Hanggang sa makalabas kami ng elevator ay masakit pa rin ang puson ko. Nang makaupo ako sa isang silya sa gilid ay gusto kong ipitin ang puson ko para pigilan ang sakit. Katabi ko ang iilang sekretaryang kasama ng mga board members at nandoon din para makinig sa meeting. Napatingin sa akin si Volter na nasa kabisera nakaupo. Tumaas ang kilay niya nang makitang hindi ako mapakali sa sakit ng puson.

Putang ina. Ngayon pa ‘ata ako magkakaro’n.

Kaya naman buong meeting ay halos wala akong naintindihan at kaunti lang din ang nai-take down notes ko. Sarap mangopya sa katabi ko. Pero charot lang, wala kami sa school ‘no.

November's Kryptonite (Calendar Girls Series #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon