CHAPTER 8

233 4 0
                                    

“Are you fine now? Your wound,” napabaling ako sa nagsalita at kumunot ang noo nang makita roon si Volter.

He was just wearing his casual shirt; a plain white shirt and a khaki shorts. He was looking at me with wary eyes. I squinted my eyes off him. It’s Sunday today so we don't have office work.

“Yeah,” simpleng sagot ko bago tumingin muli sa swimming pool.

Ayaw kong tingnan siya dahil may kung ano akong emosyon na nakikita roon at ayaw kong panghinaan ng loob sa tuwing nakikita ko ‘yon.

I should stick to my mission.

Umupo siya sa kabilang recliner at nagpakawala ng malalim na hininga. Hindi pa rin ako nag-abalang tingnan siya. Sa peripheral vision ko ay nakita kong sa harap din siya nakatingin at mukhang may malalim na iniisip.

“Are you . . . going to be my bodyguard for long?” he asked out of nowhere.

“No.” I answered firmly.

After this mission, hindi na ulit ako magpapakita sa ‘yo.

“Why?” Nahimigan ko ang lungkot at dismaya sa boses niya kaya napatingin ako sa kaniya. Naabutan ko siyang nakatitig din sa akin at ang mga mata ay nagtatanong — nagsusumamo.

“Basta,” ‘yan lang ang kaya kong isagot.

Tumango lang siya at ngumiti ng mapait sa akin.

“Are you going to have a new job after this? How long would you be my bodyguard?” he asked, looking away from me.

“I don’t know either. Siguro kapag maayos na ang lahat? I don’t know, really.” I replied with a half shrug.

He frowned at me, “I just wish it will last a lifetime, though.” he murmured.

“Ano’ng sabi mo?” My eyes narrowed at him but he was just looking away from me.

“Nothing,”

Nagkibit balikat na lamang ako at hindi na ‘yon pinansin. Bahala siya sa buhay niya.

“Dito ka lang ba maghapon ngayong araw? O baka may pupuntahan ka pang iba? Date perhaps?” I asked while sipping on my juice.

Umiling siya, “I don’t have a date.”

Nagkibit balikat ako sa sinabi niya, hindi pinapahalatang nagdidiwang ang aking puso sa narinig.

Nanatili kaming tahimik doon habang nakatitig lang sa malawak niyang swimming pool. Sa totoo lang, dapat ay hindi ako nagre-relax dito at dapat ay nagbabantay ako sa gilid niya pero ito rin naman ang utos niya sa akin; ang magpahinga ako. Then, I’ll take my rest now. A good rest.

Maya-maya ay napatingin ako sa kaniyang ngayon ay abala na sa kaniyang laptop. Nang mapansin niya ang titig ko ay napatingin din siya sa akin. Nagtaas siya ng kilay, tila nagtatanong sa akin.

“Do you know a name . . . Valdimour Rigler? Does it ring a bell?”

Natigilan siya sa tanong ko at nag-iwas ng tingin. His eyes became dark and serious. I look at him with so much curiousness. I’m anticipating for his answer. And when he answered, my brows arched.

“Wala,” he answered simply.

“You have the same surname. I thought you know him. A relative?” Tiningnan ko pa siya ng medyo nakataas ang kilay.

Umiling siya. “I don’t know him. Why?” Tumingin siya sa akin, hindi pa rin nawawala ang dilim sa kaniyang mga mata.

Ako naman ngayon ang napailing bilang sagot.

November's Kryptonite (Calendar Girls Series #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon