CHAPTER 10

133 4 1
                                    

Marahas na pinaalis si Mr. Ling ng mga kasama ko habang ako ay nanatili sa loob ng meeting room kasama si Volter. He’s staring at me like I am such a masterpiece of a known artist. Just kidding.

Lumapit siya sa akin at pinakatitigan ako. I kept my face serious.

“Ano?” I asked, arching my brow.

“That’s another dangerous move, Flinsky.” seryoso niyang sambit habang nakatingin sa akin.

Umiling ako, “if I didn’t move that fast, you’ll be dead right after that old man pull the trigger on you.” And I don’t want that to happen. “We are your bodyguards, your safety is our responsibility.”

Huminga siya nang malalim at hindi inaalis ang mariin niyang titig sa akin. Ngumiti ako sa kaniya pero hindi nawala ang pagkaseryoso niya.

“You are my bodyguard . . . pero hindi ko pa rin alam kung kailan ako masasanay na handa kang ilagay sa peligro ang buhay mo . . . maprotektahan lang ako.” marahang boses ang gamit niya, kaya hindi ko maiwasang mangiti dahil do’n.

“It’s my pleasure to protect you, Volter. Bukod sa ito ang trabaho ko, ayaw talaga kitang mapahamak. I want you safe, always.”

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Mahigpit at tila hindi pa rin sumasang-ayon sa mga sinasabi ko. He hugged me like I will disappear because of danger. He’s hugging me . . . to protect me.

“I still couldn’t believe you’re here . . . after years of being away from me, protecting me from danger.” he whispered while hugging me tight. He sighed heavily.

“You’ll get used to it by time, Volter. This is where . . . I belong. This is what I want to do. This is my job.” I whispered and hugged him back.

Hindi rin nagtagal ay nagpasya na kaming umalis doon at bumalik sa opisina niya para magpatuloy na siya sa trabaho niya. At gano’n din ang ginawa ko. Pumupunta lang sa kaniyang opisina kapag may gustong magpa-appointment at babalik sa lamesa ko para tugunan ’yon.

When it’s already 6pm, we opt to go home. Pero kumain pa siya sa isang mamahaling restaurant. Inaaya pa niya ako pero hindi ako pumayag. Bukod sa nakakahiya sa mga kasama kong agent, hindi dapat niya ako makasama sa pagkain dahil bodyguard niya ako — empleyado. Tumayo ako sa tabi ng mga kasama ko sa gilid ng restaurant. He’s in a VIP room, though. Nakatingin lamang ako sa malayo habang siya ay masama ang tinging ipinapataw sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganiyan siya kung makasimangot. I’m at my duty. I am his bodyguard, not his fucking date for his dinner. I am not here to sit next to him and eat a dinner with him peacefully.

Nang matapos siya sa pagkain ay umuwi na kami. Katabi niya ako sa passenger seat kaya naman malaya niya akong nabubulungan.

“Bakit hindi ka pa sumabay sa akin sa pagkain. Wala namang problema ro’n.” he stated like it was not a big deal to anyone.

“I am your bodyguard as of that moment, so I shouldn’t be seen sitting in front of you, eating my dinner like I am your date, Mr. Rigler.” I said with emphasis.

He glared at me, “wala namang kaso sa akin kung kasabay kitang kumain.”

“It’s not in our protocol. Hindi kasama roon na kumain kasabay mo.”

“Where can I contact your agency to raise an issue about this.” Nailing na lang ako sa tinuran niya.

“We’re just following, Volter.”

Nang makauwi na kami ay agad akong dumiretso sa kuwarto ko. Naligo at nagbihis. Lumabas din ako para makakain ng hapunan. Pagkatapos ay rumonda sa buong mansyon.

November's Kryptonite (Calendar Girls Series #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon