01

43 7 0
                                    

Rinig na rinig ko ang kuligkig sa labas. Wala ng halos nag-iingay dahil tulog na ang mga tao. Madilim ang paligid at tanging ilaw lang ng buwan ang nabibigay ng liwanag dito.

Wala rin akong ideya kung anong oras na. Kapag ganito kasing nakatingin ako sa buwan, I totally forgot about everything. Thereʼs only one thing I only remember.

Sol.

“Gising ka pa rin, bunso?”

Napatingin ako mula sa likod ng marinig ko ang boses ni Ate Aries.

I saw her standing and leaning against the door jamb. Sheʼs looking at me with her eyebrows furrowed.

“Obvious naman na gising pa ako, Ate Aries. Why do you have to ask that?” walang gana kong tanong sa kanya saka muling ibinalik ang tingin sa langit.

Naramdaman kong naglakad siya palapit saka ako tinabihan. Pareho na kaming nakatayo habang nakapatong ang kamay sa railings ng balcony.

“Hindi ka ba natatakot? Bilog na bilog ang buwan ngayon,” turan ni Ate Aries kaya bigla naman akong napatingin sa kanya. “Some people say that when itʼs full moon,  nagsisilabasan daw ang mga spooky creatures. Mag-isa ka pa namang nandito kanina. What if hindi ako nagising? Baka kinuha ka na ng kapre diyan.”

Natawa na lang ako sa pinagsasasabi ni Ate. Sheʼs too old to believe in folktales. Isa pa, how can I be afraid when I feel happiness everytime Iʼm looking at the moon? She knows that I truly love it. Thereʼs no way I would be scared.

“You know what, Ate Aries? You should sleep. Antok lang 'yan,” muli kong pagtawa pero kaagad ring natigil ng samaan niya ako ng tingin.

“Kaya nga ako lumabas kasi hindi na ako nakabalik sa pagtulog. How about you? Canʼt you sleep? Mukhang wala ka pang tulog, ah.”

Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. Napansin niya siguro ang eyebags sa mata ko na malapit ng magmukhang panda sa itim.

Ilang araw na rin kasi akong napuyat kaka-proofread. Malaki yata ang galit ng boss ko at hinihiling na matapos lahat ng ibinigay niyang manuscripts within four days.

Sa dami ba naman noʼn? Kahit yata isangla ko ang kaluluwa ko para matapos 'yon, mukhang napakaimposible pero sa awa ng Diyos, natapos naman. Malaking eyebag nga lang at sakit ng ulo ang naging epekto saʼkin pagkatapos.

“Sa boss mo na naman 'yan, 'no? Pinahirapan ka na naman?” muli akong napatingin kay Ate Aries sa bigla niyang itinanong.

I tried to shook my head pero mukhang hindi niya pinaniwalaan ang sagot ko.

Nakwento ko kasi sa kanya dati ang tungkol kay Darryl, sa boss ko na niligawan ako dati.

Noʼng nanliligaw pa 'yon saʼkin, sobrang bait niya to the point na halos i-promote niya na ako sa trabaho. I tried entertaining him pero it didnʼt worked out. Wala talaga akong feelings sa kanya despite of his sincerity.

Sinabi kong hindi pa ako ready to enter a new relationship and after noʼn, pinahirapan niya na ako. Palaging mainit ang ulo niya saʼkin. Naiintindihan ko 'yon dahil napaasa ko siya kaya hindi na lang ako nagreklamo. Isa pa, heʼs still my boss at wala talaga akong choice kung hindi ang sumunod na lang.

“Gem, I told you, 'di ba? You should find a new job. Kung nag-aalala ka kasi baka hindi ka makakuha kaagad ng trabaho, Iʼm here. Your Kuya Leo and I will help you—”

“Ate, Iʼm okay. I can handle myself. You donʼt need to worry about me,” iyon na lang ang nasabi ko dahil ayoko ng humaba pa ang usapan.

Napatingin na lang ako sa buwan habang kung saan-saan lumilipad ang isip ko.

Silently Loving YouWhere stories live. Discover now