07

13 5 0
                                    

“Gabriela, please let me explain—”

“Ano pa bang dapat mong ipaliwanag sa mga narinig ko, Gemini? I heard it clearly. You admitted that you still like my boyfriend!” Sheʼs glaring at me right now. She even pushed me away when I tried to go near her.

Kitang-kita ko kung gaano ko siya nasaktan and I canʼt blame her if sheʼs hurting. May karapatan siyang magalit saʼkin at valid ang nararamdaman niya dahil siya ang girlfriend ni Jerome.

“Yes, I still like him but thatʼs not what I meant!” Napasigaw na rin ako dahil hindi niya ako hinahayaang mag-explain. Maybe she didnʼt heard my last statement. Ang tanging nadinig niya lang siguro ay 'yong pag-amin ko. “Please let me explain, Gabriela.”

“For what?” She looks teary-eyed already while asking me. Ramdam na ramdam ko sa bawat tingin niya ang hinanakit. “You fooled me, Gemini! You told me that you already moved on pero balak mo lang palang agawin saʼkin si Jerome!”

“Gabriela, no! That was never my plan. Kung may balak akong agawin siya saʼyo, sana noon pa!” depensa ko naman.

She shooked her head and looked at me with disbelief. Mukhang kahit anong paliwanag ang gawin ko, ang tanging narinig niya lang ang paniniwalaan niya.

“But that wonʼt changed the fact that you lied,” she stated.

Hindi ako nakapagsalita noʼn. Ramdam kong pinagtitinginan na kami ng mga tao at nahihiya na ako. Gusto kong umalis na lang pero ayokong umalis nang hindi nakakapagpaliwanag. Ayokong magmukhang third party. It is not my intention. Gusto ko lang naman malinawan ang isip ko kaya ko kinausap si Jerome.

“Pero mali naman ang iniisip mo, Gabriela. Wala akong balak agawin saʼyo si Jerome! I already accepted the fact that heʼs not going to come back—”

“Quit with your lies, b tch!”

Everyone gasped when she said that. Who would have thought that the sweet and timid Gabriela would speak like that. Maging ako ay natahimik dahil hindi ako makapaniwalang masasabi niya 'yon saʼkin.

“You used my insecurities to make a move! Pinlano mo ang lahat ng 'to! Hinayaan mong maging malapit ako saʼyo and you made me believe that you already moved on para kunin ang loob ko,” dinuduro niya pa ako habang sinasabi 'yon pero hindi ko na magawang makapagsalita pa. I feel so embarrassed by the thought that a lot of people is watching us right now.

Hindi naman nila alam ang buong kwento. Alam kong ako ang magmumukhang mali rito. Malabong may kumampi pa saʼkin because I am the ex and Gabrielaʼs the girlfriend. Magmumukha talaga akong third party at ayoko talaga nito. Nakakahiya masyado.

“Gabriela, stop it! Hindi ka ba nahihiya? Pinagtitinginan na tayo,” suway naman ni Jerome sa kanya.

Instead of obeying him, Gabriela pushed Jerome. Talagang kinakain si Gabriela ng galit at na-gi-guilty ako dahil pakiramdam ko, ako ang may dahilan kaya siya naging ganito.

“Ikaw, isa ka pa! Gemini chatted you and you didnʼt told me? Bakit? Kasi gusto mo sa personal kayo mag-usap, ganoʼn ba, Jerome?”

“Wala akong planong kausapin siya! Please calm down, Gabriela. Youʼre making a scene,” suway ni Jerome pero parang wala siyang narinig. Paulit-ulit pa rin siyang nagsisisigaw.

Habang nagtatalo ang dalawa, hinatak naman ako ni Stela at binulungan ako na umalis na but I refused. Sinabi kong marami pa akong dapat ipaliwanag kay Gabriela kaya tumango naman siya kaagad kahit ramdam kong labag 'yon sa loob niya. I know that sheʼs also embarrassed kahit pa wala siyang kaalam-alam kung ano bang nangyari. Nagulat na lang siya nang maabutan kami ni Jerome na nagsasagutan.

Silently Loving YouKde žijí příběhy. Začni objevovat