02

30 5 0
                                    

“Bes, grabe, gusto ko na lang lamunin ng lupa,” mangiyak-ngiyak kong sabi kay Stela habang nakayakap sa unan ko.

Weʼre currently here in the room. Linggo ngayon kaya wala akong klase at linggo rin ang day off ko kaya makakapagpahinga ako. Hindi ko lang alam kay Stela kasi paggising ko na lang, nandito na siya. Para rin namang kabute ang kaibigan kong 'to, eh. Bigla na lang sumusulpot.

“Bes, hindi naman sa sinasaktan kita pero obvious namang hindi ka kinumusta ni Jerome. Duh, group email kaya 'yon para sa ating lahat so basically, hindi ka pupunta ng reunion,” pag-uulit saʼkin ni Stela dahil nga ipinagpipilitan niyang para sa lahat ang message na 'yon ni Jerome.

Paano kasi kagabi, nag-wish ako na kapag nakareceive ako ng message galing kay Jerome, pupunta ako ng reunion. Ayon nga, nag-send nga si Jerome ng email para sa aming lahat. Kinukumusta niya kami and heʼs hoping raw na makakapunta kaming lahat sa reunion.

“Anong basically basically ka diyan? Wala akong nabanggit sa wish ko kung personal message o group message so meaning, counted 'yon. Pupunta pa rin ako ng reunion whether you like it or not, Stela,” matapang kong sagot and I heard her sigh. Mukhang sa isip isip ng babaeng 'to, hindi talaga ako magpapatalo.

“I actually want you to go to the reunion, bes. Mabuti nga kung makakapunta ka, e. Magkikita tayo ng mga old friends natin doʼn, kaya lang, Iʼm just thinking about you. What if—”

“Ihahanda ko naman ang sarili ko in case makita ko silang dalawa, bes. Besides, ayoko rin namang isipin ni Jerome na affected pa rin ako kaya hindi ako pupunta. Kung okay na siya ngayon, dapat ipakita kong mas okay ako. Ayokong magmukhang bitter,” 'yon na lang ang isinagot ko saka ko isinubsob ang mukha ko sa unan. Sa totoo lang, hindi ko alam kung kaya ko ba talaga pero kailangan kong kayanin. I really need to show them that I am fine already.

Tumango naman si Stela. By the way she looks, alam kong nag-aalala siya para saʼkin. I held her hand para ipakita sa kanya na huwag na siyang mag-alala.

“You donʼt have to worry, okay? Hindi ko naman ikamamatay kung sakali ngang magtagpo ang landas namin,” natatawa kong sabi.

“Hindi nga, pero ikakasira naman 'yon ng career mo. Ayoko lang maulit 'yong dati, Gem. Youʼre doing well at ayokong sa isang iglap lang, lahat ng efforts mo para ayusin ang buhay mo, masira na naman dahil kay Jerome,”   seryoso niyang turan.

Pagkatapos niyang sabihin 'yon, iniwas niya ang tingin saʼkin. Maybe sheʼs thinking na na-offend ako but thatʼs true tho. Alam ko namang para rin naman saʼkin kaya niya 'yon sinabi.

“As if naman na papayag pa akong sirain niya ulit ang buhay ko,” I tried to laugh para mawala ang pag-aalala na nararamdaman niya. “Iʼm not the old d mb Gemini, before, bes. Promise, this time, Iʼm gonna handle myself.”

She smiled. Nakaramdam ako ng relief dahil mukhang nawala ang kaba sa mukha niya. Nag-change topic na rin kami pagkatapos noʼn. Tungkol na sa reunion ang napag-usapan namin at doon ko nalamang nag-sponsor daw ng malaki ang isa sa mga kaklase namin. Bali-balita na sa hotel gaganapin ang reunion. They want it to be a formal theme kaya malamang, mamomroblema ako nito kung saan ako mag-re-rent ng gown.

Nalaman ko pa mula kay Stela na mag-sa-start ang reunion by 9pm at matatapos daw by 12pm. That means—halos tatlong oras aabutin ang event. Feeling ko, dahil malaki ang sponsor sobrang ganda ng magiging reunion namin.

Pagkatapos ng mahabang chismisan, nagpaalam na rin naman saʼkin si Stela. Bigla daw tumawag 'yong pinsan niya na kausyoso niya doʼn sa boutique.

I can say that Stelaʼs really doing well. Dati lang minamaliit pa siya ng pamilya niya dahil wala raw mararating ang pangarap niyang magkaroon ng sariling boutique but now, sobrang successful noʼn. Nagkakaubusan nga sila lagi ng stock.

Silently Loving YouМесто, где живут истории. Откройте их для себя