03

27 5 0
                                    

“Bakit mo ako gustong makausap?” tanong ko kay Gabriela ng makarating kami sa mini-garden ng hotel.

Ayoko sanang kausapin siya. 'Yong makita siya ay kaya ko pang tiisin but now that sheʼs sitting beside me, sobrang awkward. Pakiramdam ko, mas lumala lang ang insecurities ko sa katawan.

“Wala lang. Na-bo-boring kasi ako dito sa reunion at wala naman akong ibang kilala maliban saʼyo,” sagot niya. She even pouted. Para siyang batang nagsusumbong saʼkin.

I donʼt know what to feel. Kanina kinakabahan ako kasi akala ko aawayin niya ako pero ngayon na sinasabi niya saʼkin 'to, napapaisip ako.

Why does it have to be me? Hindi ba siya na-o-awkward by the thought that sheʼs talking to her boyfriendʼs ex?

“Naiilang ka ba saʼkin?” tanong niya ng mapansin niyang hindi ako kumikibo.

Nataranta naman ako kaya tumawa na lang ako para hindi niya mahalata na naiilang nga ako.

“No, hindi naman. Hindi ko lang alam kung anong sasabihin ko,” sagot ko naman.

She nodded. Ngumiti pa siya saʼkin at doon ako mas lalong na-insecure. Ang ganda ngang tunay ni Gabriela. Kung siya nga naman talaga ang pinalit saʼkin, ano nga ba namang laban ko?

Kahit pa noʼng highschool kami maganda na talaga siya, e. Noʼng nalaman nga nila na si Gabriela 'yong bago ni Jerome, kinainggitan siya ng lahat. Biglang na-set aside 'yong sakit na nararamdaman ko kasi oo nga naman, worth it nga naman talaga ang pinalit saʼkin.

“Iʼm sorry, ha? I know na nagkukwentuhan kayo kanina bago ako dumating. I just feel so bored kasi and I need someone I can talk to,” she pouted again. “Bigla na lang kasi akong iniwan ni Jerome doʼn. He told me that heʼll just talk to his friends.”

Tumango lang ako saka awkward na ngumiti. Hindi ko talaga alam kung ano bang dapat kong sabihin kasi literally, sobrang awkward nito para saʼkin. Sa mga drama ko lang nakikita 'to at ngayong sa akin na nangyayari, narealize kong ang awkward nga talaga.

“Baka hanapin ka ni Jerome. Dapat nagpaalam ka sa kanya bago ka umalis,” iyon na lang ang tanging sinabi ko.

“As if naman na hahanapin ako noʼn,” natatawang sagot ni Gabriela then after that, binalot kami ng katahimikan.

Almost ilang minuto rin 'yon bago muling nagsalita si Gabriela.

“Gemini, can I ask you a question?”

“Ano 'yon?” kabado kong sabi.

I really hope that she will not ask me an awkward question. I really wish na sana hindi talaga kasi ngayon pa nga lang na kausap ko siya, gusto ko ng lamunin ng lupa.

“Have you already moved on from Jerome?”

I stunned. Hindi ko in-expect na ito pala ang itatanong niya.

No, I still love him.

“Of course,” iyon ang kusang lumabas sa bibig ko kahit alam ko sa sarili kong kasinungalingan lang 'yon. “Ang tagal na naming wala, Gabriela. Almost eight years na. Ang rami ng nangyari at marami na rin naman akong nakilala sa loob ng walong taon.”

She sighed. Nakita ko kanina, habang tinatanong niya saʼkin 'yon, mukhang kinakabahan siya. Ngayon na nasagot ko ang tanong niya, para bang nabunutan siya ng tinik sa dibdib.

“Sabagay. Nag-o-overthink lang siguro ako,” turan niya saka ako tipid na nginitian.

I didnʼt dare to ask her kung saan siya nag-o-overthink. Wala akong planong alamin 'yon.

Silently Loving YouWhere stories live. Discover now