Epilogue

21 8 0
                                    

“Thank you, Miss Gemini!” the girl cheerfully said after I signed her book.

Ngumiti lang ako at pasimpleng sinilip ang pila. Mahaba pa pala. Hindi ko naman akalain na ganito pala karami ang pupunta sa booksigning ko.

“Miss Gemini! Congrats po!” Napaangat ako ng tingin at lumawak ang ngiti ko nang makilala ko kung sino siya. Sheʼs one of those students na nagpapicture saʼkin noon. Sheʼs also the one who told me na sana raw, sa susunod naming pagkikita, sa booksigning ko na.

Nagdilang-anghel nga siya. Pagkatapos noʼn, sunod-sunod ang opportunities na dumating saʼkin. Nakapagpatayo ako ng maliit na milktea-han gamit ang perang naipon ko sa bank account. Naging matunog rin ang pangalan ko sa writing industry kaya naging full time na rin ako sa pagsusulat. Nagkita rin ulit kami ni Charles dahil nga nasa iisang publishing house kami. We became so close and later on, we fell in love. I finally found home in him.

“Sabi ko naman saʼyo, 'di ba? Sa booksigning mo na ang magiging sunod na pagkikita natin. Congrats po, Miss Gemini!” pagbati saʼkin ng estudyante.

I just gave her a smile and uttered a simple thank you. Pagkatapos noʼn, puro pirma na lang ako. They will just thank me at magpapasalamat naman ako pabalik. Gusto ko na lang matapos ang booksigning na 'to dahil susunduin daw ako ni Charles at dadalhin niya raw ako doʼn sa fav naming kainan bilang pag-celebrate ng anniversary namin.

“Great book. I really love how the main character remained strong and found a lover that will treat her right in the end,” he handed me the book. Natigilan ako because his voice seems familiar. Doon ko napagtanto na tama nga ang hinala ko nang mag-angat ako ng tingin.

“Jerome,” gulat kong turan ng makita siya.

He smiled at me kaya ngumiti lang rin ako. After that, I signed his book. Nagpasalamat siya saʼkin at ganoʼn din ako sa kanya. Before he left, he told me something that gave me motivation to write more, “Youʼre doing great. Iʼm proud of you.”

- ☪ -

Silently Loving YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora