10

16 6 0
                                    

Itʼs been two hours pero nakatengga pa rin ako sa kwarto. Iʼm still staring at his message. Pagkatapos noʼng message niya na sinabi niyang siya si Jerome, may sumunod pa siyang email na sinend saʼkin.

He sent me video. Sabi niya, saka niya ibibigay ang bank account saʼkin kapag napanood ko na raw 'yon. Sabihin ko raw sa kanya kapag tapos ko ng panoorin. Ngayon tuloy nagdadalawang-isip ako kung papanoorin ko ba o hindi. Kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung anong pwede kong makita doʼn.

Six months.

For the past six months, I tried so hard to fix myself. I tried to forget about the issue and continue living tapos, heto na naman siya. Guguluhin niya na naman ang isip ko ngayong nananahimik na ako.

Hindi ko na alam.

I was so desperate to know whatʼs in the video that I end up pressing the play button.

“Hi, Gem,” he greeted. Nakita kong inayos niya muna ang camera kasi nakatagilid 'yon. Pagkatapos noʼn, inayos niya ang sarili niya. “Pasensiya ka na, kinakabahan ako. Ngayon ko pa lang kasi 'to susubukang gawin. Alam mo naman na hindi ako mahilig mag-video,” he stated. Pagkatapos noʼn ay tumawa siya.

Natawa na lang rin ako. Bukod kasi sa nakakahawa ang tawa niya, narealize ko that he recorded this video eight years ago. Kaya pala parang medyo payat pa siya sa video na 'to at 'di pa ganoʼn kalalim ang boses.

“Gusto ko munang humingi ng sorry kasi ang babaw ng rason kaya ako nakipag-break saʼyo,” he laughed again but this time, parang naiiyak ang tawa niya. His eyes also started to be teary. “This the first month of our break up at narealize kong ang hirap pala ng wala ka, Gem. Masyado mo kasi akong sinanay na kasama ka kaya ang hirap.”

Para akong maiiyak habang pinapanood 'yon. Pakiramdam ko, parang kahapon lang kami nag-break. 'Yong sugat na akala ko magaling na, parang nagdurugo ulit habang pinapanood ko 'to.

“Sorry, ha? Ni hindi ko man lang nasabi saʼyo kung bakit ako nakipagbreak. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin. Ayoko namang pati ikaw, mamroblema sa problema ko. Ayokong mag-alala ka pa,” paliwanag niya. Umusog siya palapit sa camera dahil medyo malayo siya. Pagkatapos noʼn, hindi siya nagsalita, nakatingin lang siya sa camera at kitang-kita ko na ang lungkot ng mga mata niya. “Nalaman ko kasing may kabit pala si Papa. Narinig kong nag-aaway sila ni Mama, e. They want to separate at nagtalo pa sila kung kanino kami sasama ng mga kapatid ko.”

I stunned. Kaya pala noʼng time na gusto niyang makipagbreak saʼkin, ramdam kong ang bigat ng pinagdadaanan niya. Hindi niya lang pala saʼkin sinasabi.

“I donʼt want to interrupt them pero hindi ko kaya ang mga naririnig ko. Isa pa, ayokong marinig din ng mga kapatid ko ang pinag-aawayan nila. Bata pa sila, hindi pa nila 'yon maiintindihan,” hindi siya nakatingin sa camera habang sinasabi 'yon. Nakayuko lang siya. “Ang sabi ko kila Mama, kung hindi na talaga sila magiging ayos, maiintindihan ko naman. Huwag na sana nila kaming paghati-hatian dahil hindi naman kami bagay para pag-agawan. Kung ano man ang issue nila, sa kanila na 'yon.”

Habang pinapanood ko 'yon, pinipigilan kong maiyak. Ngayong paunti-unti ko ng nalalaman ang lahat, naiintindihan ko na rin kung bakit kami umabot sa ganito.

“Sakto pa na nalaman kong may cancer ang kapatid ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin, Gem. Sobrang dami kong iniisip at pati pag-aaral ko, muntik ko ng mapabayaan,” pagkatapos noʼn ay narinig ko ang mga hikbi niya. That was the time that I started crying, too. Naramdaman ko kung gaano kabigat ang pinagdaanan niya at naiintindihan ko na ngayon. “I had to let go of you because Iʼm afraid na pati 'yong sa atin, maapektuhan rin. I had to let you go but that doesnʼt mean that I donʼt love you anymore. Iʼm sorry. Iʼm really sorry kung hindi ko sinabi.”

Silently Loving YouWhere stories live. Discover now