05

19 5 0
                                    

Itʼs been two days but I didnʼt receive any reply from him. Mukhang na-seenzoned ako.

Napabuntong-hininga na lang ako habang nakatingin sa phone at pinagmamasdan ang reply ko sa kanya.

gmni: i canʼt.
gmni: i must say it in person.
seen☑

Maybe he didnʼt want to talk to me. Sabagay, ano nga ba naman ang pag-uusapan namin. Sa tagal ba naman naming wala, maybe he thinks Iʼm weird kasi bigla na lang akong nag-chat ng ganoʼn out of nowhere.

“Baʼt ganʼyan ang mukha mo?” rinig kong sabi ng kaklase kong si Sai kaya natigilan ako at kaagad ibinaba ang phone sa table.

Wala kasi kaming pasok ngayon. Vacant namin ng halos tatlong oras kaya dito kami nakatambay sa mall. Masyado kasing hustle kung uuwi pa tapos babalik lang rin naman. Magastos sa pamasahe.

“Wala,” tipid kong sabi saka ako nagbuklat ng notebook para mag-review.

Since wala naman kaming gagawin dito, siguro mag-re-review na lang ako. Total two days after na lang, mag-e-exam na kami at mukhang kailangan ko talagang makapagreview man lang. Hindi ako makakaasa sa stock knowledge kasi stock lang ang meron ako ngayon.

“Wala daw pero nakabusangot ang mukha,” rinig kong pang-aasar ni Sai.

Sheʼs my only friend in school kasi pareho kaming natigil sa pag-aaral. Nagkasundo kami kasi pareho kami ng sitwasyon. Ang pinagkaiba lang, she had to do stop before kasi hindi na kaya ng pamilya niya na pag-aralin siya. Masyado raw mahal ang tuition. She worked and save for herself kaya siya ngayon ang nagpapaaral sa sarili niya.

“Wala nga,” sagot ko saka muling ibinalik ang tingin sa notebook.

Hindi na siya kumibo. Maybe she feel that I didnʼt want to talk about it. Sa aming dalawa, siya talaga ang mas open. Nahihiya kasi akong magkwento sa kanya why I had to stop my studies that time. Ang alam niya lang, masyadong personal ang rason kaya ako tumigil. I didnʼt tell her the full details. I told her that Iʼm not ready na magkwento tungkol sa buhay-buhay ko at naiintindihan niya naman daw.

“Gemini?”

Napalinga ako sa paligid nang narinig kong may tumawag saʼkin. I thought it was Sai, kaya lang noʼng tinanong ko siya, hindi niya naman daw ako tinawag. Alam ko talagang may narinig ako thatʼs why I scanned the whole place. As I am scanning to find that someone who called me, doon ko nakitang papalapit saʼkin si Gabriela.

Sheʼs wearing a bright smile at base sa ngiti niyang gan'yan, mukhang wala pa siyang idea na nag-chat ako kay Jerome.

“Ikaw nga!” she excitedly said ng makalapit siya saʼkin. Sheʼs with a friend na hindi ko kilala kung sino but I remember, meron siyang isang post sa ig na kasama niya 'yon.

“Anong ginagawa mo rito?” gulat kong tanong. “By the way, sheʼs Sai, my classmate,” pagpapakilala ko naman sa kanya. “Sai, this is Gabriela, uh—”

Naputol ang sasabihin ko dahil napaisip ako kung ano ba dapat ang ipakilala ko sa kanya.

Should I say that sheʼs my ex-boyfriendʼs girlfriend? Hindi naman kaya masaktan ang feelings noʼn ni Gabriela?

“Iʼm her friend,” pagpapakilala ni Gabriela kay Sai saka inabot ang kamay niya dito.

Is she really my friend?

“Nice to meet you, Gabriela,” bati naman sa kanya ni Sai.

Gabriela smiled at her. Ipinakilala niya rin saʼmin ang kasama niya and it turns out na pinsan niya pala 'yon. Myles ang pangalan.

Silently Loving YouWhere stories live. Discover now