04

21 5 0
                                    

From: 09*********
Fatima told me that thereʼs an emergency in your house. I got a bit worried. I thought you are mad. Anyway, stay safe, Gemini!
- Gabriela

Hindi pa rin ako mapakali sa kakaisip kung paano niya nakuha ang number ko. Alas nwebe na ng umaga pero hindi ko pa rin naiisipang bumangon. Nakahilata pa rin ako sa kama habang suot ang gown ko. Nakakatamad naman kasing bumangon, e. Kahit nakapagpahinga na ako kagabi, pakiramdam ko, pagod pa rin ako.

About kay Stela naman, nakausap ko na rin naman siya kagabi. I told her that I am okay. I just told her na umuwi na muna siya at saka na lang ako chikahin dahil gusto kong matulog na muna.

Kahit nga si Kuya Leo, inulan din ako ng tanong pero hindi ko talaga sinagot. Sinabi ko na lang na sumama ang pakiramdam ko. Na-feel niya rin siguro na ayoko talagang sabihin kaya hindi niya na ako kinulit.

“Gosh, bes! Alas nwebe na, ni hindi ka pa man lang nakakapagbihis? Masyado mo naman yatang feel isuot 'yan.”

Agad akong napabalikwas ng kama nang marinig ko ang boses ni Stela. Nang hanapin ko siya, nakita kong nakatayo siya sa may pinto habang nakahalukipkip.

“Donʼt you know how to knock? Akala ko kung sino na,” inis kong sabi saka ako napahawak sa dibdib. Muntik na akong atakehin sa kanya.

“Are you still not used to me? Hindi naman talaga uso saʼkin ang kumatok. Duh,” she flipped her hair na akala mo naman ang haba. Pagkatapos noʼn, hinawakan niya ako sa braso at hinila ako palapit sa kanya. “Magbihis ka na nga!”

Hindi na lang ako kumibo habang binubuksan niya ang back zipper ng gown ko. Nagsuot muna ako ng tshirt bago 'yon tuluyang hinubad. Hindi ako nagsuot ng shorts dahil nakacycling naman na ako. After noʼn, basta ko na lang ibinato 'yong gown sa kama. Masyado talaga akong tinatamad ngayong araw at gusto kong humilata na lang buong maghapon.

“Hay naku, Gem. Kung hindi pa ako nagpunta rito, hindi pa papasok sa isip mo ang magbihis,” wala sa sariling sabi ni Stela habang sinasabit sa hanger ang gown. “Mabuti na lang talaga at naisipan kong magpunta rito. Kung hindi, baka hanggang mamayang gabi, ito pa rin ang suot mo.”

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at basta na lang ako humiga sa kama ng nakatihaya. Hindi ko talaga alam kung bakit bigla na lang akong nag-breakdown kagabi, basta ang bigat sa pakiramdam. Hindi ko ma-explain kung bakit.

“Wala ka man lang bang balak sabihin saʼkin kung anong nangyari sa reunion at bigla kang nagyaya na umuwi?” tanong ni Stela na nakaupo na ngayon sa mini-couch na nandoʼn malapit sa kama ko.

“Wala ngang nangyari,” wala sa sarili kong sagot saka ako naupo ng kama. “Biglang gusto ko na lang umuwi, 'yon na 'yon.”

“Walang nangyari tapos kung makangawa ka kagabi akala mo na-busted ka?”

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya. Ayoko ng pag-usapan 'yon. Gusto ko na lang kalimutan ang nangyari pero mukhang hindi ako titigilan ng babaeng 'to hanggaʼt hindi ko sinasabi.

“Just tell me what happened. Para naman akong others niyan kung hindi mo sasabihin. Ano ba kasing nangyari? Inaway ka ba ni Gabriela?” sunod-sunod niyang tanong.

Muli akong napahiga sa kama saka napatingin sa kisame. Napabuntong-hininga na lang ako.

“Hindi niya ako inaway. In fact, sheʼs a nice person. Ngayon alam ko na kung bakit nagustuhan siya ni Jerome,” dismayado kong sabi.

Stelaʼs eyebrows suddenly met. I know that sheʼs confused and maybe she didnʼt actually know the reason why I cried last night.

“Bes, hindi kita magets,” naguguluhang sabi niya. “Hindi ka naman pala inaway ni Gabriela so, bakit ka umiyak? Dahil nice person siya at naiinsecure ka sa kanya? Ganoʼn ba?”

Silently Loving YouKde žijí příběhy. Začni objevovat