Kabanata 2

1.5K 21 0
                                    

Kinaumagahan ang ganda ng gising ko. Nagcheck ako ng cellphone ko at maaga pa. So nag-inat inat ako at bumaba na. Wala ng tao sa baba pero may mga nakahandang pagkain. Nagluto na ang mga kasambahay namin. Dahil ayaw ko mag-isang kumain, inaya ko ang mga kasambahay namin na sumabay na sa akin kumain. After kong kumain nagpahinga ako at naligo na.

Paglabas ko ng banyo nakita ko si kuya kumakain na.

"Good morning kuya."

"Good morning." tipid nitong sagot na halatang inaantok pa.

"Bilisan mo jan kuya baka malate tayo."

"Gagamitin ko yung kotse ko ayaw ko maglakad ngayon."

"Ha? Edi sasabay nalang ako sayo."

"Ikaw bahala. Basta bilisan mong mag ayos."

Hindi na ako sumagot at umakyat na agad sa kwarto ko. Nag ayos na ako at nag uniform na.

Naka palda ako above the knee, hanggang tuhod na medyas, at sapatos.

Bumaba na agad ako at baka iwanan ako ni kuya may pagkasiraulo pa naman ito.

"Asan na po si kuya?" tanong ko sa maid namin.

"Nauna na."

"Ha? Eh sinong kasabay ko?"

"May naghihintay na babae dun sa labas. Zoey daw pangalan, ayaw pumasok e."

"Sige po, alis na po ako."

Nagmadali akong lumabas ng bahay at nakita ko si Zoey.

"Tara sa Stacey maglakad tayo maaga pa naman e."

"Sige."

Naglalakad na kami. Ilang minuto din kaming naglakad, madami kaming napagkuwentuhan. At nang makarating kami sa classroom binigay niya sa akin yung assignment sa gen math.

"Eto yung assignment sa gen math, kopyahin mo na hanggat wala pa si maam."

"Thank you."

Kinuha ko ang assignment niya at kinopya na ito. Ilang minuto ang lumipas at natapos ko na ito. Ngunit ang tagal pa ng prof namin.

Ilang oras na kaming naghihintay ngunit hindi dumating ang prof namin. Nagulat kami ni Zoey ng biglang pumasok si Nathan.

"Good morning Engineering 1. Hindi makakapasok si Maam Dela Cruz. So, pwede ninyo gawin yung ibang assignments sa other subject." sabi ni Nathan.

After niyang magsabi nun umalis na agad siya. Nagtataka si Zoey kung bakit pumasok si Nathan sa classroom namin.

"Bakit pumasok yun dito?"

"Ssg yun dito di mo ba alam?"

"Ah kaya naman pala eh."

"Ang gwapo nya no? Hahaha."

"May gusto ka sa kanya no?"

"Slight lang" sagot ko kay Zoey.

"Che bahala ka jan hahaha."

After namin mag-usap pumasok na agad ang second sub prof namin. Ilang oras ang nakalipas bago mag lunch break.

"Tara Zoey labas na tayo. Mauna na tayo kila kuya kumain."

"Sige."

Bago pa kami makapunta ng canteen tinawag ako ni kuya.

"Stacey tara sabay sabay na tayo kumain."

"Bahala ka matanda kana sumabay ka kung gusto mo."

"Tara na Nathan." sabi ni kuya

Naglalakad na kami papuntang canteen ng biglang......

ITUTULOY

Accidentally Fall Inlove With My BestfriendWhere stories live. Discover now