Kabanata 5

1.1K 25 0
                                    

Hinatid niya ako ng classroom at pumunta na siya sa kanyang klase. Pagpasok ko ng room ay hinatak agad ako ni Zoey.

"San kayo pumunta ni Archie?"

"Sa canteen."

"Kala ko ba hindi ka gutom?"

"Hinatak niya ako, wala na akong nagawa."

"Yun ba talaga ang reason?"

Tumango nalang ako at hindi na nagsalita. Dumating na ang professor namin at nagsimula ng magturo. Ilang oras ang nakalipas ay tumunog na ang bell sign na uwian na.

"Good bye Engineering 1."

"Good bye Maam Delos Reyes."

Nag-ayos na ako ng gamit ko at tumayo na. Hinintay ko si Zoey na ayusin niya ang kaniyang gamit dahil sabay na kaming uuwi.

"Zoey bilisan mo ang tagal tagal mo jan. I'm so tired."

"Hindi ka naman mukhang pagod hahaha." pang-aasar pa niya.

Hindi na ako sumagot dahil pagod na talaga ako. Bumaba na kami ng classroom. Pagbaba namin ay nandoon na si Khai dala na ang kanyang kotse.

"Tara hatid ko na kayo." sabi ni Khai.

"Tara Stacey diba pagod kana?" tanong ni Zoey.

"Sige tara na bilisan mo Khai ah."

Pumasok na kami sa loob ng kotse ni Khai pero naiwan si Khai sa labas kausap niya si Nathan. Hindi ko na narinig kung anong pinag-uusapan nila dahil nakatulog ako dahil sa pagod.

Ilang oras pa ang nakalipas ay nasa tapat na kami ng bahay namin ni Zoey.

"Stacey gising na andito na tayo." pag gising sa akin ni Zoey.

Nagising ako at di na sumagot kay Zoey. Dire-diretso ako sa gate at binuksan na ang pinto. Naiwan pa sa labas si Zoey dahil kausap pa niya si Khai.

Dumiretso na ako sa kwarto ko at natulog na hindi ko na hinintay si Zoey na pumasok hindi ko naman nilock ang pinto.

Nagising ako dahil nag aalarm na ang aking cellphone. Bumangon na ako at nag ayos ng sarili bago bumaba. Pag ka baba ko nakita ko si Khai nasa kusina at si Zoey naman ay nagluluto.

"Anong nakain mo at bakit nagluluto ka ha?" tanong ko kay Zoey.

"Wala lang dito daw kakain si Khai e bago pumasok."

"Sige at maliligo na ako."

"Sige."

Pumunta na ako sa cr at nag umpisa ng maligo. Kalahating oras din ako bago natapos sa pagligo. Lumabas na ako ng banyo.

"Tara kain na Stacey." aya ni Khai saakin.

"Sige mamaya na pag tapos kong magbihis. Maligo kana Zoey pagkatapos mo jan."

"Sige." sabi ni Zoey.

Umakyat na ako sa kwarto ko at nag ayos na ng sarili nagsuot na ako ng uniform ko at bumaba na ulit para kumain. Pagbaba ko nasa labas na si Khai at si Zoey naman ay naliligo na.

Kumain na ako. Ilang minuto lang ay lumabas na agad si Zoey sa cr at umakyat na ito na parang hindi man lang ako nakita. Pag tapos kong kumain ay inilagay ko na sa lababo ang pinagkainan ko.

Bumaba na si Zoey at naka uniform na ito.

"Mamaya na ako maghuhugas ng pinagkainan pag uwi natin hanggang 3 lang naman pasok natin ngayon e."

"Sige. Tara na baka malate pa tayo."

Lumabas na kami ng pinto at nilock ko na ito. Pumasok na kami sa kotse ni Khai at nagdrive na ito papuntang campus.


ITUTULOY

Accidentally Fall Inlove With My BestfriendWhere stories live. Discover now