Kabanata 4

1.2K 22 0
                                    

Lumipat na din ako ng tinitirahan dahil gusto ko ay magkasama lang kami ni Zoey sa iisang bahay. Lumipat kami sa isang rent house. Malaki to kasya kaming dalawa sobra pa nga kung tutuusin. May dalawang kwarto para di kami tabi matulog. At ayaw din niya ng may kasama sa iisang kwarto.

Maaga akong ginising ni Zoey dahil kami ay papasok na.

"Tara na Stacey, anong oras na. Apaka bagal mong kumilos."

"Eto na nga nakabihis na, bababa na ako jan."

"Bilisan mo, naghihintay si Khai sa labas."

Nagulat ako dahil sila na ulit ni Khai. Parang dati lang tinataboy niya ito. Well, di ko naman masisisi itong si Zoey. Mabait si Khai at hindi babaero. Kabaligtaran talaga ng kapatid niya.

Nauna ng lumabas si Zoey at umupo sa front seat. Dali dali akong lumabas ng bahay at nilock ito. Pumasok na ako sa kotse ni Khai.

"Nag breakfast na kayo?"

"Hindi pa! nagmamadali kasi si Zoey nakakainis. Dahil malalate na daw kami." painis kong sabi.

"Ha malalate? E ang aga palang advance pa nga kayo ng 30 minutes eh." sabi ni Khai.

Kaya napatingin ako sa aking cellphone. At totoo nga hindi pa kami malalate napaaga pa kami.

"Bwusit ka Zoey, sabi mo late na tayo kaya."

"Syempre sinabi ko lang yun para magmadali ka ang tagal tagal mong kumilos."

"Che!"

"Tara daan muna tayo sa Mcdonalds." sabi ni Khai.

"Sige at nagugutom na ako."

Nagdrive na si Khai papuntang McDo tapos umorder na kami. After nun ay kumain kami sa loob ng kotse ni Khai at nagdrive na si Khai papuntang campus.

Ilang minuto lang ay nakarating na agad kami sa campus. Bumaba kami ni Zoey at nag park naman si Khai sa parking lot ng campus.

"Tara Zoey pasok na tayo."

"Sige, bye Khai see you later."

"Sige ingat" sabi ni Khai.

Dali dali kaming umakyat sa classroom namin. Andun na si Nathan at Kuya Ace. Ilang saglit pa ay dumating na ang aming professor at nagturo na ito. Ilang oras ang nakalipas at tumunog na ang bell sinyales na lunchtime na.

"Goodbye Mr. Domingo." sabay sabay kaming lahat.

"Goodbye Engineering 1."

Pag labas ni Mr.Domingo ay niyaya ako ni Nathan na kumain pero tumanggi ako. Bumaba na sila at naiwan ako sa room kasama ang iba naming classmate.

Nagulat ako ng may biglang kumalabit sa akin. Pagtingin ko ay nagulat ako. Nakita ko si Archie sa likod ko.

"Ano ginagawa mo dito?"

"Sinusundo ka."

"Bakit?"

"Lunch na baliw kaba?"

"Ayaw ko kumain."

Hindi na siya sumagot at hinatak na niya ako papuntang canteen.

"Sabi ng ayaw kong kumain eh."

"Shhh wag kana maingay jan sasama ka din naman eh hahaha."

"Bahala ka sa buhay mo. Basta libre mo ako hahaha."

"Sure anything for you ma'am." sabay kindat.

"Anong nakain mo at ganyan kang kumilos?"

"Gusto lang naman kita makasama, masama ba yun?"

"Hindi naman pero nakakapanibago lang."

"Hindi sanay?"

"Hindi ka naman kasi ganyan dati. Remember ikaw pa nagpapalibre sakin."

"Hahaha. Dati yun iba na ngayon."

Nakarating na kami sa canteen at umorder na siya.

"Ano sayo?"

"Ikaw na bahala basta wag spicy."

"Copy ma'am hahaha."

"Bilisan mo na lalandi kapa e."

Hindi ko na siya hinantay sumagot at humanap na ako ng upuan namin. Nang nakahanap na ako ay umupo na ako at hinintay ko siya. Pagdating niya ay dala na niya ang pagkain naming dalawa.

"Ang dami naman nito."

"Syempre, para di kana kumain pag uwi mo."

Hindi na ako sumagot at kumain na kaming dalawa. Nang matapos kami ay nagpahinga lang saglit at naglalakad na papuntang classroom.


ITUTULOY

Accidentally Fall Inlove With My BestfriendWhere stories live. Discover now