Kabanata 8

1K 17 0
                                    

Kinabukasan nagising ako dahil kumatok si Zoey sa pinto ng kwarto ko. Agad ko naman itong binuksan.

"Ano yun?"

"Anong ano yun? Maghanda kana malalate na tayo."

"Ha?" nagulat ako sa sinabi nya. Tinignan ko ang cellphone at may pasok pala kami.

"Wait lang maliligo na ako sa campus na ako kakain mamaya."

"Sige bilisan mo hintayin kita sa baba ah."

Nagmadali akong naligo at nagbilis na ng uniform ko. Bumaba agad ako at lumabas m dahil nasa labas si Zoey. Nilock ko na din ang bahay namin.

"Tara na."

"Tara."

Hindi pa kami nakakalayo ng bahay at may bigla bumusina sa amin. Paglingon ko nakita ko si Archie.

"Tara na sabay na kayo sakin. Sakay na kayo."

"Wag na nakakahiya." sabi ko sa kanya.

"Tara na malalate kayo nyan. Dito ka sa front seat Stacey."

Sumakay na kami ni Zoey at nagsimulang mag drive si Archie.

"Anong oras na ah bakit ngayon lang kayo naggayak?" tanong ni Archie saamin.

"Late na kasi akong nagising e."

"Kaya naman pala e, Anong oras ka na ba natulog ha?"

"Late na."

Marami pa kaming pinag usapan at nakarating na kami sa campus.

"Thank you Archie, Mauna na kami."

"Welcome." nakangiti nitong sabi.

Naglakad na kami papuntang classroom namin. Buti nalang at wala pa ang prof namin at umupo na kami.

Lumapit saakin si Kuya Ace at nagtanong.

"Bakit late ka ha?"

"Nalate ako ng gising."

"Sino naghatid sa inyo ni Zoey?"

"Dami mo namang tanong kuya."

"Sumagot ka isusumbong kita kila mama."

"Si Archie naghatid samin."

"E asan na yun?"

"Nasa klase na nya malamang, alangan namang ihatid pa ako hanggang dito."

"Good."

At bumalik na siya sa upuan niya. Maya maya pa ay dumating na ang prof namin.

(Discussion of Mathematics)

Ilang oras ang nakalipas ay tumunog na ang bell.

"Tara Stacey baba na tayo." pag anyaya sakin ni Zoey.

"Wait lang, ayusin ko lang gamit ko."

"Bilisan mo nagpapaganda ka pa jan hahaha." sabi ni Zoey.

"Kumalma ka lang Zoey."

Binilisan ko na ang pag aayos ng gamit ko at lumabas na kami ng classroom. Pumunta na kami ng canteen. Bago kami makapunta ng canteen ay nakita namin si Archie.

"Oy Stacey, punta kayo ng canteen?"

"Oum."

"Sama na ako ah."

Nakita siya ni Kuya Ace at tinawag siya.

"Archie, tara dito."

"Bakit kuya?"

"Salamat ah, inihatid mo si Stacey dito."

"Wala yun kuya."

"Dahil jan ililibre kita."

Nagpunta na kami ng canteen at kumain na. Ilang minuto din kami sa canteen at nagsimula ng tumunog ang bell. Naglakad na kami papuntang classroom at pumasok na din ang aming proof. Ilang oras din kaming nag aral sa loob ng classroom. Matapos ang ilang oras na nasa loob kami ng classroom ay tumunog na ang bell nangangahulugan lang ito na uwian na.

"Okay class, Goodbye see you next meeting."

"Good bye Mrs. Del Rosario." sabi naming lahat.

Lumabas na si Ma'am Del Rosario at pumunta na ako sa kinakaupuan ni Zoey.

"Ano plano mo? Ang tagal mo naman yata diyan?" pagtataray ko kay Zoey.

"Saglit lang. Masyado ka naman ng mamadali."

"Inaantok na ako e."

"Tulog ka muna diyan saglit hahaha."

"Bilisan mo na tagal mo nagpapaganda ka pa, di ka naman maganda."

"Wow sayo ka talaga nang galing ah." natatawang sabi ni Zoey.

Hindi na ako sumagot at Lumabas na ng classroom. Paglabas ko ng classroom nakita ko si Archie.

"O ano ginagawa mo dito?"

"Sinusundo ka."

"Bakit? Inutusan ka nanaman ba ni Kuya Ace?"

"Hindi, diba sabi ko naman sayo susunduin kita pag uwian na."

"Wala kana bang pasok?"

"Meron pa, last subject ko. Kaya lang di ko na papasukan hahaha."

"Pumasok ka, sabay na lang kami ni Zoey na uuwi."

"Wag na ihahatid na kita."

Hindi na ako nag salita at sumama na lang sa kanya. 


ITUTULOY

Accidentally Fall Inlove With My BestfriendWhere stories live. Discover now