Kabanata 9

1K 18 0
                                    

Nathan's POV

Tumunog na ang bell it's a sign na uwian na. Tinawag ako ni Kuya Ace.

"Sino kasabay mo uuwi?" tanong ni Kuya Ace.

"Wala kuya."

"Tara sabay na tayo palabas."

"Sige Kuya."

Palabas na kami ng makita namin si Stacey kasama niya si Arcie. Tinawag ni Kuya Ace si Stacey at tinanong ito.

"Sabay na kayo uuwi?"

"Oo kuya, ihahatid ko na siya." sagot ni Archie

"Diba may pasok kapa? Hanggang mamaya ka pa ah."

"Hindi na ako pumasok kuya, tinatamad ako sa subject namin e."

"Sige, bantayan mo yang kapatid ko Archie ah." sabi ni Kuya Ace

Tumango nalang si Archie kay Kuya Ace at pumasok na sa loob ng kotse niya. Umalis na sila ni Stacey.

"Kuya Ace? Close ba talaga si Stacey at Archie?"

"Oo, simula pa nung bata sila. Lagi na silang magkasama."

"Ah, Kaya pala ganun e."

"Bakit mo natanong?"

"Ah wala lang kuya. Nanliligaw ba si Archie kay Stacey?"

"Hindi ko alam e. Bakit may balak kang ligawan si Stacey?"

"Sana, kaya lang parang nanliligaw si Archie sa kanya." Wala na kami ng girlfriend ko kaya may balak akong ligawan si Stacey.

"Hindi mo ba alam na may gusto sayo yan si Stacey."

"Ha? Paano?"

"Alam ko nagpunta na siya sa inyo e. Tapos nakalimutan ko kung kelan iyon. Tapos sabi niya may girlfriend kana daw. Kaya nga ilang araw yan hindi lumalabas ng bahay nila ni Zoey."

"Tulungan mo naman ako kuya. Anong gagawin ko para malaman ko talaga na may gusto sakin si Stacey."

"Sige Tutulungan kita."

Nagsimula na si Kuya Ace magplano kung anong gagawin namin para malaman ko kung may gusto nga sa akin si Stacey. Dahil nagulat din ako nung nalaman kong may gusto siya sa akin.

Una, sinusundo ko si Stacey sa bahay nila ni Zoey at si Zoey naman ay sinusundo ni Kuya Khai. Dahil iyon ang utos ni Kuya Ace.

Pangalawa, lagi kong binibilhan ng pagkain si Stacey.

Pangatlo, hinahatid ko na rin siya pag uwian na.

Pero lahat ng ginagawa ko ay parang wala lang sakanaya. Sinabi ko kay Kuya Ace na parang wala namang nangyayari.

"Kuya Ace, parang wala namang nangyayari e. Baka naman kasi wala naman talaga siyang gusto sakin."

"Meron yan. Eto ang last mo na gawain. Pag wala pa din siyang reaction, baka nga wala talaga siyang gusto sayo."

"Ano yan Kuya Ace."

"Magpakilala ka kay Stacey ng kunyari mong girlfriend tapos tignan mo kung anong magiging reaction niya."

Pagkatapos niya itong sabihin ay ginawa ko agad ito. Tinawagan ko iyong kaibigan kong babae noong high school at siya ang pinag panggap kong girlfriend ko. Kinabukasan ay ginawa ko na ang plano namin ni Kuya Ace.

Sabay sabay kaming kumain. Nagtanong si Zoey kung sino ang kasama ko.

"Sino yang kasama mo?"

"Ah, Girlfriend ko." wala man lang akong nakitang reaction ni Stacey.

"Anong course mo?" tanong ni Zoey kay Jamaica.

"Nursing ako."

"ah okay."

Hanggang ngayon ay wala pa din akong nakikitang reaction ni Stacey. Hanggang sa nagpaalam si Stacey na mauuna na sa classroom.

"Mauna na ako sa inyo sa classroom ah, may gagawin pa kasi ako e."

"Sige." sabi ni Zoey at ni Kuya Ace.

Tumayo na siya at naglakad na. Agad ko naman siyang sinundan.

"Ingat ka sa pagtaas ah."

"Oo."

Pabalik na sana ako ng sa table kung nasaan sila Kuya Ace, pero tinawag ako ni Stacey.

"Nathan?"

Nilingon ko agad siya ay ang sabi ay "Ang ganda ng girlfriend mo, ingatan mo siya ah."

Hanggang sa naglakad na siya palayo. Pumunta na ako sa table kung nasaan sila Kuya Ace. Tinanong ako ni Kuya Ace kung anong pinag usapan namin.

"Anong pinag usapan ninyo ni Stacey?"

"Wala siyang gusto sakin kuya, ni wala man lang reaction nung makita si Jam e. Tapos sabi pa niya ang ganda ni Jam at ingatan ko daw."

"Baka nga wala na talaga siyang gusto sayo."

Pagkatapos namin mag-usap umakyat na kami sa classroom, at pumunta naman na si Jam sa kaniyang klase.

Stacey's POV

Nagulat ako ng makita ko si Nathan na maya kasamang babae sa lamesa namin. Tinanong sya ni Zoey.

"Sino yang kasama mo?"

Sumagot naman si Nathan ng "Ah, Girlfriend ko." nagulat ako ng marinig ko yun pero hindi ako nagpahalata.

"Mauna na ako sa inyo sa classroom ah, may gagawin pa kasi ako e." sabi ko.

"Sige." sabi ni Zoey at ni Kuya Ace.

Tumayo na ako at naglakad na papuntang classroom. Hindi ko namalayan na sumunod pala si Nathan saakin.

"Ingat ka sa pagtaas ah." sabi ni Nathan

"Oo." eto na lang ang nasagot ko sa kanya.

Pabalik na sana siya kung nasaan ang mga kasama namin pero tinawag ko siya.

"Nathan?"

"Mahal kita." sabi ko sa isip ko.

"Bakit Stacey?"

"Ang ganda ng girlfriend mo, ingatan mo siya ah."

"Mahal kita Nathan pero hindi ko na kaya e. Nahihirapan na din ako." sabi ko sa isip ko.


ITUTULOY

Accidentally Fall Inlove With My BestfriendWhere stories live. Discover now