Kabanata 6

1K 24 0
                                    

Pagkarating namin ng campus. Marami sa school mates namin ang nasa labas hindi namin alam kung anong meron.

"Anong meron bakit nasa labas sila?" tanong ni Zoey kay Khai.

"Ewan ko wala naman akong alam dyan."

"Diba ssg kapatid mo bakit hindi mo alam?"

"Hindi naman kasi nagsasabi sakin yun kung anong event dito sa school."

Hindi na nagsalita si Zoey at agad itong bumaba sa kotse ni Khai.

"Hintayin mo ako Zoey." sabi ko sa kanya.

"Bilisan mo baka di namin makita kung anong meron dun."

Nagmadali kaming pumunta sa kinaroroonan ng mga school mates namin at nakita namin na si Nathan ay sinurprise niya ang kanyang jowa dahil kaarawan nito.

Tinignan ko ito at na realize kong hindi nga ako para sa kanya. Masaya na siya sa piling ng iba kaya sino pa ako para guluhin pa siya diba?

Pumunta na ako ng classroom namin at umupo na. Dumating na din ang prof namin, wala pa din si Nathan. Hindi ko na namalayan ang oras lunch time na. Inaya nila akong kumain pero hindi na ako sumama dahil sa nakita ko kanina. Ilang minuto ang lumipas at tumunog na ang bell sign na ito na tapos na ang lunch time. Dumating na sila pati na din ang prof namin.

Ilang oras ang nakalipas tumunog na ang bell sign na 3pm na at uwian na namin. Inaya ko na agad si Zoey na umuwi na at agad naman itong sumang-ayon.

"Okay ka lang ba? May sakit kaba?"

"Okay lang ako."

"Kanina kapa wala sa sarili mo ah."

"Ayos lang ako pagod lang siguro."

Naglakad na kami papuntang parking lot dahil naghihintay si Khai doon. Binuksan ni Khai ang pintuan ng front seat para kay Zoey habang ako naman binuksan kong mag-isa ang pintuan ng passenger seat. Nakasakay na kami at nagkwekwentuhan ang dalawa. Sa sobrang lutang ko hindi ko na namalayan nasa bahay na agad kami.

"Hoy Stacey andito na tayo."

Hindi na ako sumagot at bumaba na ng kotse. Kinuha ko ang susi sa bag ko at binuksan ang pinto ng bahay.

"Zoey mamaya na ako maghuhugas diyan ah magpapalit lang ako ng damit at magpapahinga saglit."

"Sige lang girl."

Dumiretso na ako sa kwarto ko at nagpalit ng suot at nakatulog ako. Nagising nalang ako ng kumakatok si Zoey ng pinto.

"Stacey gising may bisita ka sa baba."

"Sino yun?"

"Basta tignan mo nalang."

Tinignan ko ang cellphone ko at 5:36 na ng hapon.

"Sino kaya yung nasa baba anong oras na e." tanong ko sa sarili ko.

Pagbaba ko nakita ko si Kuya Ace na nakaupo sa couch.

"Ano ginagawa mo dito?"

"Wala masama bang pumunta ako dito?"

"Hindi naman."

"May sakit kaba? Bakit lutang ka?"

"Wala." nanghihina kong sagot.

"Kuya ipaghugas mo nga ako tinatamad ako e." malambing kong sabi kay Kuya Ace.

"Ayaw ko nga ano ka boss?"

"Sige na, konti lang naman yan e please."

"Pasalamat ka mabait ako."

Pumunta na siya sa kusina at nagsimula ng maghugas. Ilang minuto lang ang lumipas at natapos na siya.

"Tapos na ako."

"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito ha?"

"Wala lang gusto lang kitang dalawin."

"Hmm, matutulog na ako inaantok na ako e."

"Mamaya kana matulog tara labas tayo libre ko."

Hindi na niya ako pinasagot at hinila na niya ako palabas ng gate. Nakita ni Zoey na hinila ako ni kuya at ang gaga nag babye lang, tuwang tuwa pa.

"Saan ba tayo pupunta."

"Basta."

Hindi na ako nagtanong at nanahimik nalang. Dinala niya ako kung saan saan. Kung saan saan kami kumain at pumunta.

"Ayan para mamaya pag uwi mo tulog ka kaagad."

Ilang oras din kaming nasa labas at nag aya na akong umuwi dahil sa pagod at antok.


ITUTULOY

Accidentally Fall Inlove With My BestfriendWhere stories live. Discover now