Kabanata 10

1K 20 1
                                    

Stacey's POV

Ilang buwan na ang nakalipas at malapit na ang graduation namin. Ilang araw din ang preparation na ginagawa namin para paghandaan ang nalalapit na graduation. Umuwi muna ako sa bahay namin para sabay na kami ni Kuya Ace na pupunta ng campus sa araw ng graduation.

"Makakagraduate kana kuya, yun na yung matagal mong pinapangarap."

"Oo nga e, sobrang saya ko dahil matutupad ko na yung pangarap ko."

"Congrats kuya."

"Congrats din sayo Stacey, Maghanap kana ng boyfriend mo para naman may taga sundo kana pag nagtatrabaho ka na." pagbibiro ni kuya sabay tawa ng malakas.

"Kahit wala naman akong boyfriend kaya ko naman mag drive magisa, di ko na kailangan nun hahaha."

"Apaka hambog mo talaga."

..................................................................................................................................................

Dumating na ang araw na hinihintay namin. Eto na yung araw na gagraduate na kami. Nakita ko na si Zoey na ang ganda ganda ng kanyang suot. Kasama niya si Khai.

"Ang ganda mo Zoey." sabi ko ng nakangiti sa kanya.

"Mas maganda ka."

Naglakad na kami papunta sa pila namin at nagsimula ng mag marcha.

Ilang oras ang nakalipas ay natapos na ang aming graduation at nagpicture picture na kami. Ilang picture din ang nakuha namin bago kami lumabas ng campus. Nagpunta kami sa isang restaurant at nag celebrate. Nang maka upo at nakakuha na ng order at tinanong ni Zoey si Nathan.

"Asan na yung girlfriend mo?"

"Ah si Jam, wala di na sumama may sarili silang celebration e."

"Next time isama mo naman para maka bonding namin."

"Ang manhid naman nitong si Zoey para namang hindi niya alam na may gusto ako kay Nathan." sabi ko sa isip ko.

Ilang oras din kaming kumain at pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa kalapit nitong bar. Ilang oras kami sa loob ng bar at lasing na ako, ngunit sila ay parang wala lang. Magpapaalam na sana ako na uuwi na pero pinigilan ako ni Kuya Ace.

"Wag ka munang umuwi."

"Bakit? Lasing na ako kuya."

"Mamaya na ipapa sundo kita, para hindi ka magisa na uuwi. Nandito pa nga si Zoey e."

"Sino naman ang susundo sa kin?"

"Basta, mamaya kana umuwi."

"Osige basta hindi na ako iinom."

"Osige umupo ka nalang dun."

Umupo na ako sa table namin at umiinom nalang ng juice dahil hindi ko na talaga kaya. Lasing na lasing na ako.

Nagulat ako ng may biglang tumabi saakin. Tinignan ko agad ito pero hindi ko makilala kung sino dahil sa ilaw ng bar na paiba iba. Nilapitan ko ng tingin kung sino ba yung tumabi sakin. At nagulat ako ng makita ko si Archie.

"Archie? Anong ginagawa mo dito?"

"Malamang Stacey bar to, kahit sino pwedeng pumunta."

May point nga naman siya dun.

"Sino kasama mong pumunta dito?"

"Ako lang. Pinapunta ako dito ni Kuya Ace."

"Ha? Bakit daw?"

"Para sunduin ka, diba lasing kana at inaantok na. Isasabay ko na din si Zoey para sabay na kayong ihahatid ko."

"Tawagin ko lang si Zoey."

"Wag na ako na tatawag, matumba ka pa jan e. Diyan ka nalang babalik agad ako."

Tumayo na siya at pinuntahan na si Zoey. Ilang minuto lang ang lumipas ay bumalik na agad siya kasama is Zoey.

"Tara na inaantok na si Stacey e. Lasing na din." sabi ni Archie kay Zoey.

Tumayo na ako at inalalayan na ako ni Archie sa pagtayo ko. Naglakad na kami papunta ng parking lot dahil andun yung kotse ni Archie.

"Kaya mo pa?" tanong sakin ni Archie.

"Oo, kaya ko pa naman. Asan na ba yung kotse mo medyo nahihilo na ako e."

"Malapit na, wait lang ah."

Ilang minuto kaming naglalakad at nakasakay na kami sa kotse ni Archie.

"Sakay na kayo. Papatayin ko yung aircon ah buksan nyu nalang yung bintana, para mahimasmasan kayo." sabi ni Archie.

Nagsimula ng mag drive si Archie, at si Zoey naman ay tulog na sa likod. Ako naman ay inaantok at nagpaalam kay Archie.

"Archi, tutulog muna ako ah keep safe sa pag drive."

"Oum." sabi ni Archie.

Nag seatbelt na ako at nagsimula ng matulog. Ilang minuto ang nakalipas ay ginising na ako ni Archie.

"Stacey. Stacey, Andito na tayo sa bahay ninyo."

Nagising naman ako at ginising ko na din si Zoey.

"Zoey, andito na tayo. Gising kana diyan."

Nagising na si Zoey at nagpasalamat kay Archie bago ito bumama. Pumasok na sa loob ng bahay si Zoey at naiwan ako sa labas.

"Salamat sa paghatid Archie ah."


ITUTULOY

Accidentally Fall Inlove With My BestfriendWhere stories live. Discover now