Chapter 5: First Day

10 2 0
                                    

"Kath?" Tawag sa'kin ni Mommy habang nakaupo ako dito sa hapag at kumakain.

"Hmmm". Tugon ko lamang at mabagal na kumakain sa hapag.

Unang araw ko na ngayon na papasok sa Public.

Ito na 'yung kinakatakutan kong...

Araw na papasok ulit ako sa public school, hayssst!

"Alam kong hindi ka sanay sa 'pag aaral ulit ng public. Alam ko din 'yung naranasan mo dati, I feel you nak! But, please? Just understand your Dad. Gusto niya lang tumino ka, basta andito lang ako ha?" Hinagod ni Mommy 'yung likod ko habang pilit na nakangiti.

"I understand, Mom". Sambit ko nalang at nagpatuloy sa 'pagkain.

Siguro dapat ko na rin na harapin, na ito ang panibagong daan ng buhay ko ulit.

Ang makisalamuha ulit sa mga public students, tsk!

Iwww, jusko!

Tapos na akong kumain at nagpalit na ako nang uniform.

Dumungaw ako sa salamin at tinitigan ko nang mabuti 'tong suot kong uniform.

So cheap na naman! Haysst, napakalow class. Pero, not bad na rin.

'Di lang talaga ako sanay na nakasuot muli ako ngayon ng uniform ng public school, punyeta kasi.

Bumaba na ako sa sala at naabutan ko si Daddy na nag-aantay sa'kin.

Tinignan ko lang siya sa mata at saka ako tumingin sa sahig.

"Sabay ka muna sa akin. Ihahatid kita sa school mo".

Tumango na lamang ako at saka sumunod sakaniya.

Tahimik lang ako 'pagkarating namin sa school.

Napatitig ako sa labas ng school.

Infairness, maganda naman siya pero hindi kagaya ng private na fully covered ito.

"Mag-ingat ka and please behave, darling!" Sambit ni Daddy at hinalikan ako ne'to sa noo, opo!

'Di na ako kumibo at bumaba na ako sa kotse at saka ako nagtungo sa gate.

May dalawang guard din doon ngunit hindi nga lang naka-uniform ng disente dahil black pants, black shoes and plain white t-shirt lang.

Naglakad na ako papasok at balak ko pa lang sanang libutin 'tong public school na 'to.

Kaso, tinamad na ako at saka ba't ko 'pag-aaksayahan 'tong school na 'to 'di ba?

Omygosh, so cheap yes!

Hinalungkat ko 'yung papel na binigay sa akin ni Daddy kagabi. Nakasulat dito mismo 'yung room number ko.

"Room 208?" Pabulong na basa ko.

Ibinulsa ko na ito at nagsimula nang maglakad.

Habang naglalakad ako napapansin kong nakasunod ang mga tingin ng mga estudyante sa akin.

'Pag-nililingon ko naman sila ay napapaiwas at napapayuko pa 'yung iba.

What's the matter?

Para kayong nakakita ng multo mga ugok kayo!

"Oh my goodness! Malayo pa ba 'tong room 208 na 'to? Damn it! I'm just tired". Bulong na sabi ko at napahawak pa ako sa tuhod ko.

Para na akong aatakihin sa puso, nyeta.

Buti nalang ay dala ko 'yung inhaler ko! May sakit kasi ako sa puso na hindi ako basta pe-pwedeng mapagod.

"Tired agad? HAHAHA"

The Campus Girl's (On-Going)Where stories live. Discover now