Chapter 12: Jeep

5 2 0
                                    

Pag-uwi ko, nag-flashback sa isip ko ang lahat ng nangyari sa Mall.

Kaya naman binulyawan ako ni Daddy.

"Sinong gumawa ne'to? Bakit hinayaan mong sulatan nila?!" Bulyaw sa akin ni Daddy 'pagdating ko sa bahay.

"Daddy, I'm so sorry!" Napatango na lamang ako dahil naiiyak na ako.

Alam kong mali ito. Alam kong mahalaga kay Daddy ang mga sasakyan niya at ito ako ngayon.

Walang magawa kundi, panooring umalis 'yung gumawa non.

Nagtungo na ako sa kwarto ko at napahiga nalang ako sa kama ko.

Hindi ko parin makalimutan 'yung nangyari Yesterday sa Mall.

~

"Ikaw?", gulat na tanong ko na nasa harapan ko.

"Paano mo nagagawa 'to sa'kin ha, Marcor! Punyeta! Tatanggapin ko lahat ng gagawin niyo sa akin; takutin niyo'ko, hagisan niyo ng laruang ahas, patirin sa hagdan, maski mabalibag sa hagdan. Kahit maputulan pa ako ng buto, ayos lang. Pero, 'yung sisirain mo ang pagmamay-ari ng Daddy ko? 'Yon ang hindi ko matatanggap!"

Sigaw ko at hindi ko napigilan at tumulo na ang luha ko.

Tumawa naman siya at nginitian pa ako na parang hindi man lang niya narinig 'yung mga sinabi ko.

"Anong tinatawa tawa mo diyan, ha! Hayop ka! Wala ka nang ginawa kundi, pahirapan at gawing mahirap ang buhay ko!"

Napaawang naman ang bibig nito at medyo hindi nagustuhan ang sinabi ko.

Oh, bakit? Totoo naman, ah! Hayop siya, isa siyang malaking GAGO!

"Alam mo, Kath!" Bahagya siyang napatingin ng diretso sa mata ko at lumapit ng kaunti sa akin.

"Kulang pa nga 'yan, eh! Sa lahat ng kabastusan mo!" Sigaw pa niya, kaya naman napa-atras ako.

"Anong pinagsasabi mo? Ano bang kasalanan ko sayo, ha?!" Nagtatakang tanong ko dito.

Napatawa naman siya at saka tinignan ako ng medyo galit.

"I'm always wondering, ano kayang klaseng pagpapalaki ang ginawa ng mga magulang mo sayo".

Nag-iba ang pandinig ko kaya naman biglang naglakbay na lang ang palad ko sa mukha nito.

"Tangina! Fuck you! Laitin muna ako. Gawin mo na ang lahat ng kaya mong gawin sa akin. Pero, wag mo lang insultuhin ang mga magulang ko dahil hindi mo sila kilala".

Nanggigigil na ako, punyeta!

"Patas lang tayo, Kath! 'Diba't nilait-lait mo din ang Mommy ko. Binastos mo siya, Kath! Pinagtatawanan mo ang katabaan niya".

Saglit naman akong napatigil at...

Wait...

Si Ma'am Joyce (taba) ba ang tinutukoy niya?

Wait......

Ano namang connection nil---

What???

Mommy?

Napatingin ako sakaniya at nagtaka pa din ang mukha ko.

"Oo, Kath! Si Ma'am taba, si Ma'am Joyce o kahit ano mang tawag mo sakaniya... She's my mother! 'Yung kapatid kong si Atasha, alam mo bang may sakit 'yon sa puso pero, pinagsalitaan mo siya ng kung ano-ano. Nilait mo ang pagiging public namin. Sinabihang basura, ngayon alam muna ang dahilan ko. Bastusan ang gusto mo then, ibibigay ko sayo!" Sigaw niya at saka na siya tumalikod at naglakad na palayo.

The Campus Girl's (On-Going)Where stories live. Discover now