Chapter 20: Deep Thinking Ft. Nervous

1 2 0
                                    

"Hoyyy!! Ano ba? Ibaba mo nga ako!" Reklamo ko pa pero, patuloy pa din niya akong buhat-buhat.

"Wag kang malikot at baka mahulog ka".

"Ibaba mo kasi ako sabi, eh!"

Arghhhh!!

"Aray naman, eh!" Napairap ako sakaniya dahil bigla niya akong ibinagsak sa sahig kaya naman napa-aray ako sa sobrang sakit.

"B-bakit mo'ko ibinagsak?" Sigaw ko dito nang patanong.

Nandito kami ngayon sa isang classroom na hindi naman familiar sa akin.

"Sabi mo ibaba ki---".

Napatigil ito sakaniyang 'pagsasalita dahil bigla akong nagsalita.

"Ibaba sabi ko, hindi ibagsak. Paano na kaya ka'pag nabalian ako ng buto, ha! Paano kung, ma-injured ako? At paano kun---".

Sandali akong natigilan sa sinasabi ko ng bigla din naman itong bumawi sa 'pagsasalita.

"Willing naman akong maging doctor mo".

Napatigil naman ako sa 'pagsasalita at ilang segundo akong napatitig mula sakaniya.

'Bakit parang kinukuryente ako sa mga sinasabi niya?' Mahinang aniya ko sa sarili ko.

Tinitigan ko naman ng buo ang kaniyang mukha.

Kitang-kita ko ngayon ang mga mapuputi at pantay-pantay na ngipin ne'to dahil sa lapad ng ngiti ne'to.

Nakakabighani din ang mga mahahabang pilik mata ne'to at ang makakapal ne'tong kilay. Mga bilog na mga mata at matangos na ilong.

"Namimihasa ka na sa 'pagtitig sa'kin, ah!"

Ha? Ano? Luhhh!!

Napa-iwas ako ng tingin dito ng bigla itong nagsalita.

Kaya naman agad akong umiwas sa mga tingin at nakakalokong ngiti ne'to.

"Gano'n na ba ako kagwapo para titigan mo nang matagal?" Patuloy pa ne'to at napapahalakhak pa siya.

Tumayo na ako mula sa sahig at pinilit ko siyang tignan.

"Jusmeyo! Hindi, ano?! Bakit naman kita tititigan? May ano kasi... hmmm... may kulangot". Napilitan pa'kong humagikgik.

Napalaki naman ang mata niya at kinapa-kapa niya ang labas ng ilong niya pero, sa 'pagkakataong i'yon ay hindi ko mapigilang hindi matawa.

Kaya naman tumawa na'ko.

"HAHAHAHAHA joke lang, eh!" Halakhak ko pa.

"Ahh, gano'n? Yare ka sa'kin ngayon, HEHEHE". Ngumiti ito sa'kin nang nakakaloka or nakaka-asar kaya naman ako ngayon....

Ito, hindi maipinta ang mukha ko lalo't dalawa lang kami dito sa classroom na ito.

Humakbang siya ng paunti-unti palapit sa akin.

Luh? Anong ginagawa niya?

Napapa-atras naman ako ngayon at bigla na namang nagsilitawan ang mga pawis sa noo ko.

Ano bang ginagawa niya?

Patuloy pa din siyang lumalapit sa akin kaya naman patuloy lang ako sa 'pag-atras.

Hanggang sa nakaramdam ako ng matigas na bagay sa likod at nung nilingon ko ito ay nakasandal na pala ako sa pader.

Muli akong lumingon kay Chester at nakangisi na ito sa akin.

Napalunok-lunok pa ako ng ilang beses na lalo na noong......

Oh my God!

Unti-unti niyang tinatanggal ang mga butones sa kaniyang polo.

The Campus Girl's (On-Going)Where stories live. Discover now