Chapter 6: Introducing Myself!

7 2 0
                                    

"Okay, class! Since kumpleto na kayong lahat. May mahalaga akong anunsiyo sa inyo".

Paninimula ng teacher na nasa harap ng klase.

"Ano po 'yun, Ma'am Shai?" Tanong ng isang maputing babae na nasa harapan ang upuan.

"I wanna met y'all. Your new classmate, Ms. Cinob, can you introduce yourself first?"

Agad naman akong natauhan ng pag tinginan na ako nang mga kaklase ko.

Napadako naman 'yung tingin ko sa dalawang lalaking bwesit sa buhay ko.

Nakatitig lang ang mga ito sa akin.

"Ms. Cinob?"

"Ah! On the way, Ma'am". Agad akong tumayo at dali-daling naglakad papunta sa harapan.

Pinagmasdan ko ang buong klase. There are some na nagcecellphone. May mga nagsusulat pa sa notebook nila.

What the fuck? Really? Ganito ba talaga sila dito?

Hindi nga talaga ako nagkakamali, they are so cheap!

"Hoy! Balak mo bang ibalandra na lang 'yang sarili mo diyan? Pipi ka ba, ha?" Sigaw nang lalaking pumatid sa akin kanina sa hagdan at tinignan pa ako ng diretso sa akin..

"Mr. Mendez!" Suway naman ni Ma'am Shai.

"Tsk!" Sagot naman nito at umirap pa.

Aba! Daig pa ang babae sa pag-irap ng mata!

Barbie yata ito, ah?!

"Uhmm! Hello, I just wanna introduce myself. I am Katherine Cinob. Thank you!"

Pagkasabi ko no'n ay agad na akong bumalik sa kinauupuan ko.

"Ahmm! Capariño and Carillo? Can you move backward?" Sambit nito sa dalawa.

Agad naman tumayo 'yung babae at lalaki na magkatabi at naglagpas sila ng dalawang bakanteng upuan.

"Alarcon, dito ka. Uhm, Ms. Cinob dito ka sa tabi ni Alarcon".

What?? Makakatabi ko 'yung lalaking nagtanggol sa'kin?

What the fuck? Ano bang kamalasan ng buhay meron ako?

Tumayo na lang ako at pumunta sa tabi ni Alarcon.

"Pre! Ingat ka diyan baka bayagan ka ulit. HAHAHAHA". Sigaw nung Mendez at tumawa pa.

Pinanlisikan ko naman siya ng mata pero, 'di siya natinag at tumitig pa.

Hayssst!

'Di ko nalang pinansin at lumingon na ako sa harapan.

"'Di ba sa private school ka nag-aaral? How come na narito ka sa school na 'to. Just like what you have said?" Napalingon naman ako sa katabi ko.

Tinitigan ko siya, ilang segundo lang ay binalik ko ang atensiyon ko sa harap kung, saan may itinuturo si Ma'am Shai.

Wala akong balak maki'pag-usap sa hambog na 'to, oo!

At wala din akong balak sayangin ang laway ko para ipaliwanag sakaniya kung, bakit ako narito sa basurang paaralan na 'to.

Ilang saglit pa ay nagsalita na naman siya.

"Alam mo Ms. Cinob. Hindi ko lang maintindihan, nung una nilait mo mga public students at tinawag mo pang basura tapos kanina naman sa hagdan sinipa mo 'yung ano ko. Tapos ngayon, ikaw pa may gana na magtataray sa akin". Wika nito na halos mahinang pabulong lang.

Tinignan ko na naman siya at ito na nga, magtataray na naman ako. Tsk!

"Mr. Alarcon! Hindi ka ba napapagod dumakdak diyan? Nonsense mga pinag-sasabi mo, tsk!"

The Campus Girl's (On-Going)Where stories live. Discover now