Chapter 9: Accident!

5 2 0
                                    

'Kath?! Habulin mo ako, HAHAHAHA'. Wika ni Kliffer.

Nakakatuwa talaga itong si Kliffer.

'Ako ba hinahamon mo, ha!'. Agad din naman akong tumakbo at hinabol siya.

Patuloy lang ako sa pagtakbo kaso napagod ako kaya agad akong napahinto at napahawak sa tuhod ko.

'Ano na, Kath? Suko kana ba? HAHAHA wala ka pala, eh'. Sambit niya sabay lapit sa akin at tinapik pa ang likod ko.

'Tara na nga, meryenda muna tayo doon sa silong ng mangga'. Wika nito.

Dali-dali naman akong sumama at humawak pa ako sa braso niya.

Naupo muna kami sa silong ng mangga at kumuha ng biscuit doon sa basket na dinala namin kanina ni Kliffer galing sa bahay.

'Kath!'

Napalingon naman ako sakaniya at mukhang nang aasar pa siya sa pagngiti niya.

'Anong meron sa mga ngiti mo? May balak ka na naman, ano?'. Natatawang wika ko din. Tumayo na siya at inalalayan pa akong tumayo.

'Ano ba 'yon?' Tanong ko rito.

'Basta, close your eyes. Pag sinabi kong go open mo na, ha?' Wika niya sa akin.

Napatingin naman ako sakaniya at saka ngumiti.

'Sige, HAHAHA'. Sambit ko rito.

'Okay! 3... 2... 1... Go, open your eyes. Tadahhhhh!' Wika niya.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko pero, agad akong nagulat at napatakbo ng makita ang nasa harap ko.

I-isang a-ahas!!!!!!

Whaaaaaaat?? M-Mommyyyyyy......

Sa taranta ko ay napaatras ako at nadulas ako kaya bumagsak ang katawan ko kasabay ng pagtama ng ulo ko sa bakal na nakakalat sa silong ng mangga.

'Kath... jusko, goma lang 'to. Kath, gumising ka. Gising na! T-Titaaaaaaa si Katherine po'.

Dinig ko pang sigaw ni Kliffer pero, nagdilim na ang paningin ko kaya tuluyan na akong nawalan ng malay.

---

"Kath? Owemji salamat sa Diyos at gising ka na".

Unti-unti kong minulat ang mata ko at inilibot ang paningin ko sa paligid.

Nakahiga ako ngayon sa isang malambot na higaan.

Bakit puro puti ang nakikita ko?

***

S-sino 'yung nagsalita?

Gumalaw ako kaso sumakit 'yong likod ko.

"Daddyyyyyy!! Na'saan ako? Nasa langit na ba ako? Am I dead na po ba? Oh my gosh!"

Ang lakas ng sigaw ko kaso, bigla akong nakaramdam ng sampal kaya bigla akong natauhan.

Napatingin ako sa sumampal sa akin at nakatitig lang ito sa akin.

"Hindi ka pa patay. Wag kang OA".

"S-sino ka?", nagtataka kong tanong at nilingon ko naman 'yung nasa paanan ko, si Daniella.

"Ako si Nurse Crystal. Wala ka pa sa langit. Dinala ka ng isang lalaki rito kanina dahil nawalan ka daw ng malay sa hagdan kanina". Aniya nito sa akin.

Teka nga??? Naramdaman kong bumagsak ako kanina kasabay ng pagkahilo ko at...

The Campus Girl's (On-Going)Where stories live. Discover now