Chapter 24: Disaster

2 1 0
                                    

Araw ng Huwebes.

Maaga akong gumising para maka'pag-jogging muna.

Mamaya pa namang 8:30 ang klase ko dahil wala daw si Ma'am Shai.

5 o'clock pa lang ay nasa dining area na ako at umiinom ng gatas.

Tulog pa naman sina Mommy at Daddy kaya okay lang.

Nagsuot na ako ng maiksing short na pang-sport at sports bra. Nakarubber shoes din ako at may dala akong isang tumbler na may lamang tubig.

Dahan dahan akong lumabas at maingat akong naglakad para 'di makalikha ng anumang ingay.

Pagkabukas ko ng gate ay sumalubong na sa akin ang malamig na simoy ng hangin.

Bigla akong nanginig dahil sa lamig.

Nagsimula na akong tumakbo ng dahan-dahan at ine-enjoy ko na ang bawat takbo ko.

30 minutes na ang nakalipas kaya huminto muna ako sa isang upuan na semento sa isang kanto.

May mga mangilan-ngilan ng mga taong nagsisilabasan ng kanilang bahay.

Uminom muna ako sa tubig na dala ko pero, pagtingala ko pa lang para uminom ay natanaw ko ang isang lalaking nakatitig lang sa akin.

Nakashort lang ito at nakasando ng itim. Naka-tsinelas din ng pula at dahan-dahan itong naglakad palapit sa akin.

Kumabog bigla ang puso ko dahil sa kaba!

Agad kong sinara 'yung tumbler ko at mabilis akong tumayo.

Naglakad na ako palayo ng mabilis pero, mas lalo akong kinabahan dahil sinusundan pa din ako nung lalaki.

'Di ko makita ang eksaktong mukha nito dahil nakasuot siya ng face mask na itim at nakasumbrero din ng itim.

Dahil sa taranta ko ay agad na akong tumakbo at nagpaikot ikot sa bawat kanto pero, hindi pa rin ako tinatantanan ng lalaking i'yon.

Kakaunti pa lang ang tao at wala silang paki-alam sa akin.

Lumusot ako sa isang kanto pero pagkaliko ko ay may tatlong mga nakaitim na lalaki at nakabalot ang kanilang mga mukha.

Humarang sila sa dadaanan ko kaya medyo umatras ako ng dahan-dahan at saka ako tumakbo ulit palayo sa kanila pero pagtalikod ko ay nakita ko nang nasa harap ko na ang lalaking nakasando kanina at agad akong binigwasan ng suntok ng lalaki kaya napaluhod ako agad at napahawak sa tiyan ko.

"Damn it! Fuck you!" Sigaw ko at hindi ko alam pero bigla na lang din akong napaluha dahil anumang oras maaari nila akong patayin!

Kahit magsusumigaw ako rito ay hindi ako maririnig ng mga tao dahil halos nasa liblib na ako ng lugar na ito.

Napatingin ako sa paligid.

Halos mag uumaga na pero parang 'di natatakot ang mga lalaking ito kung may makakakita man sa kanila!

Maya-maya pa ay napahandusay ako sa sahig dahil sinipa ng lalaking nasa likod ko ang likod ko kaya naman ay napasigaw ako sa sakit na naramdaman ko.

Hindi ko man sila kilala o makilala, maaaring may galit sila sa akin.

Pero wala naman akong na-aalalang may nakaaway ako na ganito!

"Mga duwag ba kayo! At sino ba kayo? Bakit niyo ako ginaganito! Mga duwag kayo dahil pumapa---". Saglit akong natigilan dahil...

Sinampal ako ng isang lalaki kaya napahawak na naman ako sa pisngi ko dahil sobrang hapdi na nito.

Agad kong hinawakan yung tumbler na dala ko at ibinato ko sa mukha ng lalaking sumampal sa akin kanina kaya napa-atras ito at napahawak sa ilong niyang may bahid na ngayon ng dugo.

The Campus Girl's (On-Going)Where stories live. Discover now