Chapter I

7.2K 139 24
                                    

"ISDA! Isda po kayo d'yan!" malakas na sigaw ko habang naglalakad sa ilalim ng nakatirik na araw. Ramdam na ramdam ko ang sobrang init na bumabalot sa buong paligid pero hindi ko na iyon ininda. Kailangan ko kasing kumita para naman may pambili kami ng bigas at pang-ulam mamaya. May sakit rin si Inay kaya ako muna ang pumalit sa kanya sa paglilibot ng isda.

"Isda po kayo d'yan! Pakyawin niyo nalang po itong dalawang kilo!" Pilit ko ring siniglahan ang boses ko kahit ramdam ko na ang sobrang pagod. Kanina pa ako inuuhaw pero tinitiis ko lang. Mamaya ko nalang susuliting uminom ng tubig pag-uwi ko sa bahay.

Hindi naman kasi kami pinalad sa buhay. Walang trabaho si Inay maliban sa paglilibot ng mga isda. Wala na rin si Itay. Halos mag-a-apat na taon na simula ng mamatay ito dahil sa sakit sa puso.

Ako naman, halos magda-dalawang taon na akong umalis sa dati kong pinagta-trabahuang health center. Hindi man masyadong kalakihan ang sweldo pero sapat na para mabuhay kami nila Inay.

'Yon nga lang, may mga pagkakataon na kailangan nating isantabi ang ibang mahahalagang bagay para sa ikakabuti natin.  Nawalan ako ng trabaho hindi dahil sa pinaalis ako kundi dahil mas pinili ko mismo ang umalis.

Huminto muna ako at pansamantalang sumilong sa maliit na barong-barong nila Aling Seling. Hindi ko na kasi kayang ibilad pa ang sarili ko sa araw. Pawis na pawis rin ako. Baka mamaya, hindi lang si Inay ang magkasakit kundi pati ako rin. Kung magkataon, walang mag-aasikaso kay Pio.

Akmang ilalapag ko na sana ang bilao kong dala sa nakausling kahoy sa bahay nila Aling Seling pero napahinto ako bigla. Nangunot ang noo ko habang tinitingnan ang makikay na si Karolin, tumatakbo ito papalapit sa akin. Nang tuluyan na itong makalapit ay agad akong napatakip ng ilong sa sobrang tapang ng amoy ng pabangong gamit nito. Humihingal pa ito habang sapo-sapo ang dibdib.

"N-Nandito ka lang pala, Pazneah! Kanina pa ako hanap ng hanap sayo! " hinihingal na sigaw nito sabay sandal sa maruyang dingding nila Aling Seling. Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"At bakit mo naman ako hinahanap, aber? May kailangan ka ba sa akin?" tanong ko naman sa kanya.

Inayos muna nito ang sariling buhok bago sagutin ang tanong ko. "Hay, naku! Si Poging bubwit, napaaway na naman!" malakas nitong sagot sa akin dahilan kung bakit nanlaki naman ang mga mata ko.

"Napaaway?! Si Pio?! " Nang tumango si Karolin ay walang pasabi akong tumakbo para hanapin si Pio. Alam kong naiwan ko doon sa bahay nila Aling Seling ang bilaong dala ko kanina pero hindi iyon ang inintindi ko. Kailangan kong makita si Pio at baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

Nakita ko naman sila sa harap ng lumang barangay hall ng Sitio Yakal. Kaharap nito si Boknoy na hawak-hawak ng dalawang binatilyo. Agad naman akong lumapit sa kanila saka hinila si Pio.

Mukhang nagulat naman ito ng makita ako. Naitikom ko ang bibig ko ng makita ang hitsura  nito. Madungis at puro buhangin ang mukha at buhok. Para bang nilampaso ito sa buhanginan.

"M-Mama..."

"Bakit ganyan ang hitsura mo?! Sinong may gawa niyan?" mariin kong tanong kay Pio habang pinapagpag ang mga buhangin sa mukha at ulo nito. "S-Si B-Boknoy po..." mahinang sagot nito sabay tungo ng ulo.

Mabilis kong binalingan si Boknoy. Hawak pa rin ito ng dalawang binatilyo at pilit na kumakawala sa mga ito. May bangas ang mukha nito at gaya ni Pio, madungis rin ito. Mariin kong naipikit ang mga mata ko bago muling binalingan si Pio.

"Halika na. Umuwi na tayo..." Saka ko ito hinila paalis sa kumpulang iyon. Sinamaan ko rin ng tingin ang mga magulang na naroon at wala man lang ibang ginawa kundi ang tingnan na mag-away ang mga bata.

The Millionaire's Son (Montallejo #1) | CompletedWhere stories live. Discover now