Chapter XXVI

3.4K 70 11
                                    

BOMBA. Tila bombang sumabog sa tapat ng tainga ko ang mga narinig kong sinabi nito. Bakit kausap niya si Dra. Fil? At sino ang tinutukoy niyang pinsan nito?

Nanghihinang napasandal ako sa likod ng pinto habang nakatulala lamang kay Karolin. Mukhang naramdaman yata nito na may taong nakatingin sa kanya kaya agad itong napalingon sa direksiyon ko.

Nagulat pa ito ng makita ako. Mabilis nitong tinapos ang tawag at itinago ang cellphone sa bulsa niya.

Bakit niya pa itatago, eh, narinig ko na?

Hindi naman ako makapagsalita. Nakatulala lamang ako sa kanya.

Kailan pa?

“P-Paz...” He called me. Bakas ang takot sa mukha niya. Hindi ko pa rin magawang ibuka ang bibig ko upang makapagsalita. Nanginginig ang mga tuhod ko.

Akala ko pa naman may kakampi na ako. Pero hanggang akala nalang yata lahat. Pumunta pa kami dito para ilayo nang tuluyan ang anak ko sa ama nito, tapos ganito lang pala ang mangyayari?

Lumapit siya sa akin. “Paz—”

Sinampal ko siya. Pinagsu-suntok ko siya para mabawasan ang bigat na nararamdaman ko ngayon. Sobra-sobra na ang lahat ng mga nangyayari sa buhay ko ngayon, tapos ito? Malalaman ko na isa rin pala siya sa nagpapaikot sa akin?

Jusko! Ano ba namang klaseng buhay ito? Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay kasama ang anak ko, bakit hindi pa maibigay sa amin?

“Paz—”

“Sinungaling ka! Akala ko pa naman kakampi kita, pero hindi pala! I hate you! I hate you, Karolin!” Hindi ko na mapigilan ang sarili ko nang mga sandaling iyon. Saling na saling na ang pasensiya ko. Durog na durog na ako tapos dadagdag pa siya! Mga walanghiya!

“Pwede ba makinig ka muna?! My gosh, Pazneah! Buksan mo naman ang isipan mo at matutong makinig! Hindi ka talaga matatahimik kung papaandarin mo ang katigasan ng puso mo! Kung buhay pa ang tatay mo ngayon, hindi rin niya gugustuhing makita na ang nag-iisa niyang anak ay unti-unti nang nilalamon ng galit!” sigaw pa nito sa akin.

Mabilis na umigkas ang palad ko sa mukha niya. “Huwag mong idadamay si Itay sa issue na ito, Karolin!”

Punong-puno ng awa ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Hindi ko kailangan ng awa niya!

“Kung iniisip mong alam ko na ang lahat ng mga pinagdadaanan mo, siguro nga tama ka...”

Natawa naman ako. “See? Sayo na mismo nanggaling ang katoto—”

“Pero hindi mo pa alam ang totoong storya, Paz!” muling sabi nito. Anong sinasabi niyang hindi ko alam? Na hindi ko alam kung anong nangyari sa akin dati?

Ano 'yon? Gawa-gawa ko lang? Joke-joke gano'n? Nagpapatawa ba siya?

“Anong sinasabi mong hindi ko alam? Anong gusto mong palabasin huh, Kar? Na sinungaling ako? Feeling pa-victim?!”

Umiling-iling ito. Halatang inis na inis na sa akin.

“Paz, hindi! What I mean is, makinig ka muna! Huwag mo munang pairalin ang galit mo! Isipin mo nalang si Pio, girl. Lumalaki na ang anak mo, pero ni sarili mo ay hindi mo man lang magawang palayain. Magpatawad ka, Paz... Kausapin mo ang ama ni Pio...”

Hindi ko na magawa pang maka-react sa lahat ng sinabi nito ng marinig ang tunog ng sasakyan na pumarada sa tapat ng bahay nila Karolin.

Huminga ulit ito ng malalim bago magsalita ulit. “Matalino ka, Paz. At alam kong alam mo kung ano ang mas makakabuti para sa inyo ng anak mo...”

Napahawak ako sa ulo ko ng biglang umikot ang paningin ko. Pahina na rin nang pahina sa pandinig ko ang boses ni Karolin. Napasandal na lamang ako sa may pintuan dahil bigla akong nahilo. Hindi ko na rin narinig ang ibang sinabi nito dahil nawalan na ako ng malay.

The Millionaire's Son (Montallejo #1) | CompletedWhere stories live. Discover now