Chapter XXXII

3.4K 69 4
                                    

GABI na nang ihatid kami ni Ziann sa bahay. Ipinasyal pa kasi kami nito para raw kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam naming mag-ina. Siguro nga ay tama rin siya dahil hindi yata kinaya ng utak ko ang lahat ng aking nalaman kani-kanina lang.

Gulong-gulo pa rin ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala pa yata akong lakas ng loob na magdesisyon sa ngayon dahil sobrang drained na nang utak ko.

“Salamat, Ziann. Ako na ang magbubuhat sa anak ko para makauwi kana rin... Maraming salamat” sinserong wika ko sa kanya bago dahan-dahang binuhat si Pio. Hindi naman ito umangal pa at pinagbuksan nalang kami ng pinto.

Nakita ko pang napailing ito habang nakatingin sa anak kong mahimbing na natutulog sa mga braso ko. “I don't really know if being a twin of my brother is a good thing. Mukhang pati sa akin ay galit na galit rin si Pioneer. Dahil ba magkamukha kami ni kuya?” amused na tanong nito.

Tipid lamang akong ngumiti sa kanya bago haplusin ang ulo ni Pio at isiksik iyon sa leeg ko. “You can't blame him, Ziann. Masyado lang nasaktan ang anak ko dahil sa nakita niya kaninang umaga. He's too young to understand everything...” seryosong paliwanag ko.

Tumango-tango naman si Ziann bago muling magpaalam at sumakay na sa kotse niya.

Doon ko lamang nagawang pakawalan ang buntong-hininga na kanina ko pa gustong pakawalan. Pakiramdam ko ay tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan dahil medyo kumalma na ang sistema ko.

Sa ngayon, naiintindihan ko na ang lahat ng mga nangyari. At gusto ko na habang maaga pa ay maitama na ang lahat.

Tahimik akong pumasok sa gate ng bahay habang buhat-buhat ang natutulog na si Pio. Nagtaka naman ako ng mapansing madilim sa loob at mukhang wala pa ring tao.

Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng kung anong emosyon ng maisip na baka hanggang ngayon ay magkasama pa rin sina Poncio Pilato at Vienna.

Bakit magkasama pa rin ang mga ito? Napatawad na ba ni Poncio Pilato si Vienna sa ginawa nito sa kanya dati?

Pumasok ako sa loob ng main door at kinapa ang switch ng light sa may bandang gilid ng pinto. Saktong pagbukas ng ilaw ay nagulat naman ako ng bumungad sa akin ang magulong sala. Tila ba dinaanan ng ipo-ipo dahil nagkalat ang mga basag na gamit doon.

Anong nangyari? Bakit basag-basag ang mga gamit?

Dahan-dahan pa rin akong naglakad habang iniiwasang masagi ang mga basag na gamit na nagkalat sa sahig. Mahirap na at baka mabubog pa ako. Pumasok ako sa silid ni Pio upang ilapag ang anak ko bago magtungo sa kusina upang kumuha ng walis at dustpan.

Nagkataon rin kasing bumalik si Nana Delia sa Devier mansion kanina ring umaga. Sinimulan kong linisin ang sala dahil mas marami ang basag na vase na nakakalat doon. Nagulat naman ako ng biglang makarinig ng kalabog mula sa bar counter ng bahay.

Kinabahan naman ako at pilit na iniignora ang bagay na iyon. Nagpatuloy ako sa paglilinis. Nang matapos kong ipunin sa dustpan ang mga basag na flower vase ay muli akong nagtungo sa kusina para itapon iyon.

But this time, napahinto na talaga ako ng muling marinig ang ingay. Kaya naman itinabi ko muna ang dustpan at dahan-dahang naglakad papuntang bar counter ng bahay. Balak ko lang sanang silipin kung anong meron pero nabigla naman ako ng makita kung sino ang nandoon.

Si Poncio Pilato!

Nakatungo ang ulo nito sa mesa. Marami ring bote ng alak na nagkalat palibot sa kanya. Naglasing ba ito?

Nagdalawang isip naman ako kung lalapitan ko ba o hahayaan ko na lamang siya do'n. Hindi ko na rin nagawa pang sagutin ang sarili ko dahil kusa na mismong naglakad ang mga paa ko papalapit sa pwesto nito.

The Millionaire's Son (Montallejo #1) | Completedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن