Chapter XX

3.8K 96 1
                                    

HALO-HALONG emosyon ang nararamdaman ko habang papasok sa loob ng Villa Verdict subdivision. Nagpasalamat lang ako kay Sir Zionn kanina at mabilis na bumaba sa sasakyan kasama si Pio. He just waved his little hand to my boss tsaka nakangiting sumunod sa akin.

"Your hand is cold and sweating, Mama... Why is that?" nag-aalalang tanong sa akin ni Pio. Umiling lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Bukas ang main door ng bahay nang madatnan namin. Patakbong tinungo ni Pio ang pinto at naunang pumasok sa loob. Sumunod naman ako.

"Lola!" Mabilis itong lumapit kay Inay sabay yakap dito. Nasa sala sila nakaupo.

At tama siya, may bisita nga kami. Tila natigilan naman ang mga ito sa kung anong pinag-uusapan dahil sa paglapit ng anak ko.

Doon lamang nag-angat ng tingin sa akin si Inay. Tiningnan pa nito ang kaninang kausap bago ako balingan ulit. Tila ba sinasabi niya na kanina pa sa akin may naghihintay.

Tumayo naman si Inay at mabilis na inaya si Pio patungo sa kusina.

Hindi na ako nagulat pa nang tumayo rin ang babae at lumingon sa direksiyon ko. Agad na bumalatay ang gulat sa mga mata nito nang makita ako pero ngumiti rin kapagkuwan. Isang alinlangan na ngiti.

She changed. Ibang-iba na ang Joan Kenley na nakilala ko noon. Wala na ang payat na babae na laging binu-bully no'ng high school kami. Wala na rin 'yong babaeng laging naka-pusod ang buhok dahil sobrang haba nito.

The one whose standing in front of me now is a better version of Joan Kenley. Fair skin, blonde hair, at maraming tattoo sa braso.

Hindi ako maaaring magkamali, siya yata ang babaeng tinutukoy ni Pio na nagpunta rin dito kaninang umaga.

"It's been a long time, Marien. How are you?" ani nito habang nakangiti sa akin. Seryoso ko siyang tinitigan, diretso sa mata. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Habang nakatingin ako sa kanya, muling nagbalik ang mga alaalang pilit ko nang ibinabaon sa limot noon pa. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko.

I slapped her.

Hard.

"SORRY..."

Halos pabulong na sabi niya pagkatapos ko siyang sampalin sa mukha. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil sa totoo lang, kanina ko pa siya gustong murahin at sabunutan.

"How dare you to show your face to me like you did nothing wrong, Joan?! Pagkatapos mo akong iwan no'ng gabing iyon tapos hindi na nagparamdam sa loob ng anim na taon?! How dare you?" mariin kong sumbat sa kanya.

Gusto ko siyang saktan at murahin pero hindi ko magawa.

Nanghihina ang mga tuhod ko at nanginginig sa labis na galit. Gusto kong iparanas sa kanya ang lahat ng hirap na dinanas ko noon dahil sa ginawa niya.

"M-Marien..." nangungusap niyang tawag sa pangalan ko pero sinamaan ko lamang siya ng tingin. "S-Sorry... S-Sorry talaga, M-Marien..." umiiyak niyang pakiusap sa akin.

Umiling-iling ako sa kanya. Kung sana noon pa siya humingi ng tawad sa akin, posible ko siyang mapatawad agad.

Pero ngayon? Hindi ko alam.

Pagkatapos ng anim na taon, ngayon lang niya nagawang magpakita at humingi ng tawad? Anong dahilan niya kaya nagbalik siya ngayon?

Tumingin siya sa akin habang lumuluha ang mga mata. Kung noon ay nagagawa ko pang maawa sa kanya lalo na kapag umiiyak siya, ngayon hindi na. Wala akong ibang maramdaman para sa kanya kundi galit.

She betrayed me. Tinuring ko siyang kaibigan at parang isang tunay na kapatid na rin noon pero sinira niya iyon. She broke my trust for her 6 years ago at hindi ko alam kung magagawa ko pa siyang pagkatiwalaan ulit.

The Millionaire's Son (Montallejo #1) | CompletedWhere stories live. Discover now