Chapter XXI

3.9K 92 7
                                    

MARIIN kong ipinikit ang aking mga mata sa kabila ng blindfold kong suot. Gustong-gusto kong takpan ang magkabilang tainga ko para hindi marinig ang mga impit na palahawa at sigaw ng kung sino mang pumasailalim ng pagsusulit.

Ito ba ang sinasabi ni Joan na private initiation? Bakit nakakatakot naman yata? Bakit kailangan pang dumaan sa pagsusulit na sinasabi nila para lamang mapabilang sa isang organization? Tama ba itong desisyon na pinasok ko?

Mabilis na tinambol ng kaba ang puso ko nang biglang  hilain ang braso ko ng hindi ko kilalang tao. Ang kaninang takot ko ay mas lalo pang nadagdagan. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Narinig kong nagtawanan ang mga ito. Napaigtad pa ako ng biglang may humaplos sa pisngi ko.

“Napakaganda naman ng bagong salta na ito, boss... I'm wondering kung ano kaya ang pipiliin niya sa dalawa...” natatawang sabi nito habang panay haplos sa mukha ko. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot. Gusto ko ring sipain ang taong haplos ng haplos sa mukha ko pero pinigilan ko ang sarili ko.

“HIRAP O SARAP?!” Halos mapatalon ako sa gulat ng malakas itong nagsalita. Mariin kong nakagat ang ibabang labi ko sa labis na pagsisisi at kabang nararamdaman.

Hindi agad ako nakasagot. Nanginginig ang labi ko at hindi ko magawang magsalita. Iyak lamang ako ng iyak.

Napuno ng tawanan ang paligid. May narinig pa ako na piliin ko raw ang pangalawa dahil hindi raw ako masasaktan. Wala akong kaide-ideya tungkol sa sitwasyong pinasok ko kaya nahihirapan akong pumili sa dalawa.

“Miss, madali lang naman ang gagawin mong pagpili sa dalawa eh... O baka gusto mo sa kangkong-an pulutin?”

Muling napuno ng tawanan ang paligid. Anong ibig niyang sabihin doon sa sinabi niyang sa kangkong-an ako pupulutin? Papatayin ba nila ako?

Takot na takot ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nang mga sandaling iyon. Sa sobrang takot ay bigla na lamang akong nagsalita.

“S-Sarap...”

Umugong ang hiyawan sa paligid. Gusto kong suntukin ang sarili ko. Bakit sinabi ko iyon?

“Maayos ka naman palang kausap eh...” Tumawa pa ito ng malakas. Nagulat ako ng bigla ako nitong hilain sa kung saan. Nakapiring pa rin ako at walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid. Hindi pa rin tumigil ang hiyawan.

Saan nila ako dadalhin? Papatayin na ba nila ako?

Nanghihina akong napahinto sa paglalakad. Naramdaman ko ring huminto ang taong humihila sa akin.

Ayoko na! Gusto ko nalang umuwi!

Nagpumiglas ako mula sa higpit ng pagkakahawak sa akin nitong di ko kilalang tao. “A-Ayoko na! Bitawan mo ako! Uuwi nalang ako!” Nagpatuloy ako sa pagpupumiglas.

Napangiwi ako ng biglang humigpit ang pagkakahawak nito sa braso ko. “Bitawan mo ako! Parang awa mo na...”

Narinig ko itong napamura ng malakas at muli akong kinaladkad sa kung saan. Kapagkuwan ay naramdaman ko itong huminto ulit, kasunod nito ay ang pagbukas ng isang pinto.

The Millionaire's Son (Montallejo #1) | CompletedWhere stories live. Discover now