Chapter XII

3.9K 90 2
                                    

HALOS lahat ng mga nakatira dito sa Villa Verdict ay mayayaman at may kaya. Iyon ang isa sa mga napansin ko dito sa loob ng isang linggong pagtira namin dito sa subdivision. Naglakad ako papalapit sa mga naglalarong kabataan upang muling tawagin ang anak ko.

“Pio, anak... Uwi ka muna. Naka-ready na ang water mo sa pagligo...” tawag ko kay Pio. Tumigil naman ito sa paglalaro at nakangiting bumaling sa akin.

“Mama!”

Tumakbo ito papalapit sa akin sabay yakap sa mga hita ko. Natawa naman ako at sinulyapan ang ibang mga bata na naroon. Natawa naman ako ng sabay-sabay nila akong binati.

“Hello, Tita Paz! You're so pretty po today...” nakangiting bati naman sa akin ni Sofie.

Napangiti naman ako lalo na nang sumilay ang isang malalim na dimple sa kaliwang pisngi nito. “Hello, Sofie... Ikaw rin, you're so pretty din today...”

Nakita ko naman itong pinamulahan ng pisngi nang sumulyap ito sa anak ko. Napasupil na lamang ako ng ngiti dahil sa nakita ko. Lihim ko ring pinagmasdan si Pio na todo ang ngiti sa batang babae. Napailing nalang ako saka niyaya na munang umuwi ang anak ko.

“Uuwi muna si Pio, ah? Babalik nalang siya mamaya para maglaro kayo ulit...” paliwanag ko sa batang babae. Tumango naman ito at nagpaalam sa anak ko. Kumaway naman si Pio saka kami naglakad pabalik sa bahay.

“She's so pretty noh, mama? She looks like a doll!” manghang sabi nito sa akin habang naglalakad kami.

Tinanguan ko naman ito. “Akala ko ba cute lang si Sofie? Bakit ngayon pretty na? Do you like her son, hmm?” panunukso ko pa sa anak ko.

Mabilis naman itong bumaling sa akin saka umiling-iling. “I don't like her, mama! I just find her pretty that's why...” defensive nitong sabi saka nag-pout.

Natawa naman ako sa reaksiyon nito. “Are you sure? Then why did you keep playing with her if you don't like her?”

“Mama!” Natawa nalang ako lalo na nang tumakbo ito palayo at pumasok na sa bahay. Somehow I realized na lumalaki na nga ang anak kong si Pio.

Hahakbang na sana ako ulit ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko ay nakita naman si Manong Kiko, ang guwardiya sa umaga dito sa Villa Verdict.

“Bakit ho?” takang tanong ko kay Manong Kiko saka ako naglakad papalapit rito. Nangunot naman ang noo ko ng may iabot itong isang kulay puting sobre sa akin.

“May nagpapabigay po, ma'am...” sabi nito at bumalik rin sa labas ng gate pagkabigay ng sobre sa akin.

Nagtatakang tiningnan ko ang sobreng nasa kamay ko. Nagpapabigay? Baka naman hindi sa akin? Kaya naman agad kong binasa ang likuran ng sobre at nakitang nakasulat nga roon ang pangalan ko.

Pero sino naman ang magpapabigay nito? Si Karolin?

I doubt it. Sa pagkakakilala ko sa baklitang iyon, mas gugustuhin pa nitong mapudpod ang daliri sa kakapindot ng cellphone kaysa mag-aksaya ng papel at tinta ng ballpen.

Hindi ko na dinala pa sa bahay ang sulat at binuksan ko na agad doon upang basahin. Mabilis kong binuklat ang nakatuping papel at binasa ang nakasulat.

‘Meet me at the Shakespeare cafe tomorrow morning... From Yana Montallejo...’

Nagulat ako sa nabasa ko pero mas nanaig pa rin ang pagtataka. Paano nito nalaman na nasa Villa Verdict na ako nakatira? Agad ko namang naalala na pagmamay-ari pala nila itong subdivision.

Ang bobo mo, Paz! Malamang malalaman niya kasi sila ang nagbigay ng bahay na ito sa inyo!

Argh!

The Millionaire's Son (Montallejo #1) | CompletedWhere stories live. Discover now