Chapter 3: Soulless

2 1 0
                                    

Trigger Warning:

The following chapter will be having a contents that will be disturbing for some people. Mature scenes ahead in terms of emotional depression and suicidal thoughts, only suitable for mature audiences who have mastered self-control.

Read at your own risk.

Pagkatapos ng nangyari, ilang oras pa ay humupa na ang epekto ng drugs. Every part of her body felt sore. There are bruises on her wrists because of the handcuffs he put.  She's weak; she's exhausted. Pero ang pinakamasakit ay hindi ang pisikal, kung hindi ang puso niyang hindi na niya maramdaman.

Ang lalaki sa tabi niya mahimbing na ang tulog, halatang pagod na pagod sa ginawa.

Ang kaya na lang niyang gawin sa ngayon ay ang patuluin ang mga luha sa mga mata niya nang hindi sinasadya. Dahil ang mga tao sa paligid niya laging ay bingi sa kaniyang hinaing at sa mga pagmamakaaawa. Mula sa magulang niya, hanggang sa taong bumaboy sa kaniya.

She felt stupid, she felt fvcking delusional and  pathetic for thinking  that there are still people who'll give her nothing but a good intention. Pero ang lalaking unang nagbigay sa kaniya ng atensyon ay pinagsisihan lamang niya. Unang pagkakataong nagtiwala siya sa isang tao pero walang kahirap-hirap niyang dinurog ito sa pamamagitan ng paggamit sa katawan niya.

Kahit anong kuskos niya sa katawan niya, kahit ilang beses pa siyang magsabon, his fingertips still lingers on Calita's body.

Pagkalipas ng isang linggo mula ng araw ng birthday niya, nanahimik ang lalaki. Ang dalaga ay hindi na rin pumapasok sa school dahil natatakot siyang makasalubong ang lalaki at gawin ulit ang kinatatakutan niya.

Hindi niya makuhang magsumbong, wala siyang mapagsabihan. Takot siya---takot na hindi paniwalaan at sa huli sa kaniya pa isisi ang lahat at sabihing 'ginusto niya rin naman'. Lalo pa at alam niya kung paano gumagana ang utak ng magulang niya sa tuwing siya ay nasasangkot. Bingi, bulag at sarado ang isip para sa kaniya.

Nang nagalit ang mga magulang niya dahil hindi na siya lumalabas ng bahay, sinabing sinasayang ang pera sa tuition fees sa prestihiyosong paraalan para sa walang kwentang anak, wala siyang nagawa kung hindi harapin ang bangungot niya.

Sa lakas ng kabog nang puso niya, wala na siyang marinig na iba nang makita niya ang lalaki na nakikipagtawanan sa mga kaibigan nito. Bumalik ang lahat ng alaala niya ng gabing binaboy siya. Sa paningin niya ay tawa 'yun ng isang demenyo. Nakakatakot na demonyo. Pero bago pa siya makaalis sa kaniyang kinatatayuan, nakita siya ng ate niya at pinalapit siya sa grupo nito.

Nang hindi siya kumilos dahil pino-proseso pa din niya ang nasa paligid niya, ang lalaking bumaboy sa kaniya na ang kusang lumapit sa dalaga. Nandidiri siya, nanginginig siya sa galit at takot pero wala siyang magawa.

Nang inilagay nito ang kamay niya sa balikat ng dalaga, gusto niyang sumigaw. Gusto niyang magmakaaawa.

Pero mahina siya; isa siyang duwag.

"P-please, D-don't touch me," ani ng babae. Kahit takot at nanginginig, nakuha niyang magsalita. Pero ang lalaki ay ngumisi lang, sinabing may ipapakita sa kaniya.

Umiling siya, namumuo na naman ang mga luha sa mata. Dahil sa contact lense na suot niya ay hindi alam ng lalaki ang totoong kulay ng mga mata niya. Wala ng nakaalala ng tunay na kulay na mata niya, pero patuloy pa din ang pagsunod ng kamalasan sa kaniya.

Due to the nature of man strengths, he can easily steady  the girl without causing a scene or attract some suspicions from the crowd.

"Nagseselos lang 'tong girlfriend ko. Gusto lang ng lambing." sabi ng lalaki sabay amoy sa buhok ni Calista.

CalistaWhere stories live. Discover now