Chapter 7: So called family

1 2 0
                                    

There, I saw our school's dean, soothing the elders that throwing tantrums because of what happened to their kids.

Jimenez.

Fernan.

And my family, Ybañez.

The head of the 3 families were in formal suite, parang bagong hugot sa opisina. Habang ang mga 'ilaw ng tahanan' naman ay nakasuot ng kanilang mga mamahaling damit. Pati na rin ang bag at alahas ay malalaman mong mamahalin. Sa garbo ng mga suot nila, iisipin mong sa malacañang dapat ang punta nila.

Syempre pati ang  nakagisnan kong ina na eleganteng-elegante ang dating. Pero sa likod ng kalmado at maamo niyang mukha, may mga bagay 'yan na 'di mo aakalaing kayang gawin sa isang bata.

Iniisip ko nga kung bakit ko ba tinuring na nanay 'to, eh, kahit kailan ay hindi naman ako nito minahal o kahit respeto man lang.

Habang ang mga anak naman nila ay hindi pa din tumitigil sa pagiyak na dahilan para mas lalong magalit ang kanilang mga magulang. 

I mentally face palmed because of the scene before me. Hindi pa ako nakakapasok sa pinaka office ng Dean pero kita ko na sila sa transparent na salamin.

"Mrs. Jemenez, pinatawag ko na ang anak nina Mr. Ybañez. She will be here in a moment." Sabi ng Dean sa Mommy ni Betty na kanina pa sigaw nang sigaw.

"I won't let this slide, Mr. Ybañez." Sabi naman ng Daddy ni Betty . "How could that bitch punched my daughter?! Ni hindi ko nga mapagbuhatan ng kamay ang anak ko, tapos ngayon makikita ko siyang may black eye?!" He shouted.

"Nagpapalaki ka ba ng basagulera, ha?" Sabi naman ng Mama ni Betty.

"Enough!" Sigaw ni Cristopher, ang nakagisnan kong ama. Well,  maiksi lang talaga ang pasensya niya. So, hindi na bago sa akin ang pagsigaw niya.

"Baka nakakalimutan mo kung sino ang kausap mo, Jimenez." May pananakot ang tinig niya at madali namang natakot si Mr. Jimenez. Parang umurong bigla ang dila niya at nawalan ng kulay ang mukha.

Well, I can't blame him. He was just out of control because of a fact that her precious daughter was beaten and that is made none other than by me.

Nakalimutan siguro niya ang pwesto niya sa ekonomiya na kayang-kaya siyang tapakan ni Christopher kasama ang maliit niyang kumpanya. 

Hindi niya alam na wala namang pakialam sa akin ang taong kausap niya.

The creek sound of the door got the attention of everyone. Inilabas ko ang ulo ko mula roon, and when I saw my parents in flesh, I grinned.

I entered  the foyer at isa-isa silang lumingon sa akin nang may naghihimutok na galit sa pagmumukha.

Kung pwede ko lang i-drawing ay lalagyan ko ng usok mga ilong nila. 

"Am I late?" I asked. "Did I missed something?"

When Christopher saw me, he abruptly dashed towards me and yanks my arm forcefully 'causing me to struggle on my pace and winced in pain.

"What have you done this time, huh?" he shouted, his saliva showering me and I felt disgusted. Pero hindi ko na muna ininda dahil sa higpit ng hawak niya sa braso ko.

"How could you hurt your sister? You dare to slapped her twice. Ganoon ka na katapang ngayon, ha?!" he yelled.

This scene isn't new to me now. This already happened in the past. Sa alaala ko, this is when they decided to throw me in an orphanage.

"Chris," Karaminah  whispered, stroking her husband's arm up and down. "Honey, calm down, everyone is watching."

That's Karaminah for you. The prim and proper, sweet and kind in front of others. Pero pagkami-kami nalang, doon lumalabas ang tunay na kulay niya.

CalistaWhere stories live. Discover now